KABANATA EIGHTEEN

3336 Words
Matapos naming lisanin ang palasyo na tila bula na basta na lamang nawala, wala pa yatang isang minuto ay naramdaman ko nang nakaapak ang mga paa ko sa lupa. Hindi ko pa rin binibitawan ang pagkakahawak ko sa kamay ni Prinsipe Arsh hanggang sa nagkaapak na nga ang paa ko sa lupa. "Nandito na tayo," ani ng Prinsipe. Agad ko itong nilingon at pinasadahan ng tingin si Prinsipe Arsh. Wala pa ring emosiyon ang kaniyang mukha samantalang ako ay napamangha dahil sa isang iglap lang ay narito na kami agad. Nakakamangha dahil 'di na namin kailangang maglakad o kahit sumakay man lang ng kalesa para makarating dito. Gamit ang kakayahang mayroon ang bawat Prinsipe na gaya na lamang nito, mas napapadali ang pagpunta nila sa isang lugar. Talaga nga namang mas mapalad sila kumpara sa mga ordinaryong mamamayan ng Norland tulad ko, na kailangang maghirap pa sa kung anong klaseng transportasiyon ang gagamitin sa tuwing pupunta sa malalayong lugar. But at this moment, mapalad din ako. Naranasan ko ang ganitong kakayahan na taglay nila sa tulong ni Prinsipe Arsh at ng iba pang mga Prinsipe. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Nasa masukal na bahagi kami ngayon ng kagubatan. Maraming nagtataasang puno ang nakapalibot sa amin. Marami ring tuyong dahon ang naipon na sa kinaaapakan ng aming mga paa. Nakakatakot dahil baka may biglang lumusob na namang mabangis na hayop. "Prinsipe Arsh, sigurado ka bang dito tayo kukuha ng mga bulaklak?" paninigurado ko. Nagtataka ako dahil ang buong akala ko ay ang pupuntahan namin ay ang lugar kung saan maaari akong kumuha ng mga bulaklak. Pero batay sa nakikita ko ngayon, 'di 'to ang lugar na tamang pagkuhanan ng mga bulaklak. Dahil wala namang mga bulaklak ang narito. Ni wala nga akong makitang kahit ligaw na bulaklak na tumubo man lang dito. Tambak ang mga tuyong dahon sa paligid dahil sa malalagong puno na nandito. "Hindi rito ang eksaktong lugar na aking sinasabi. Kailangan pa nating maglakad kung sa gayon, marating natin ang dulong bahagi ng kagubatan. Doon matatagpuan ang Hardin ng Halimuyak," sagot nito. Mas lalo akong nagtaka. Kung sa dulong bahagi pa ng kagubatang ito ang tinutukoy niyang hardin, bakit dito kami huminto? Hindi ba't maaari naman niyang gamitin ang kapangyarihan niya upang makarating kami agad sa lugar na kaniyang sinasabi? "Eh, bakit tayo rito huminto, Prinsipe Arsh? Bakit 'di mismo sa dulong bahagi ng kagubatan?" tanong ko ulit. Hindi ko inalintana kung makulitan man ito sa 'kin dahil sa kakatanong. Ang mahalaga, nasagot ang mga tanong na gumugulo sa 'king isipan nang mapanatag din ako. Seryoso itong lumingon sa 'kin. Kinabahan tuloy ako dahil baka nakulitan na nga siya sa 'kin. Baka iwan pa ako nito rito mismo. Hindi ko pa naman alam ang pasikot-sikot sa gubat na ito. Ngayon ko lang naalala na malimit lang palang magsalita si Prinsipe Arsh tapos tanong pa ako nang tanong. Well, siya na lang ang mag-adjust. Madaldal ang kasama niya, eh. Napakamot na lamang ako sa batok at nag-alinlangang ngumisi. "Huwag mo na lang sagutin ang tanong ko, Prinsipe Arsh. Sabi ko nga, sanay akong maglakad, e'. Kaya sisiw lang sa 'kin kung lalakarin natin hanggang sa dulo ng kagubatang 'to." Agad kong binawi ang tingin ko sa kaniya. Binaling ko ang atensiyon ko sa paligid. May takot akong naramdaman dahil masukal talaga ang bahaging ito. Madalas sa mga napapanood kong movies sa modern world, may mga wild animals ang gumagala sa gan'tong lugar. Paano kung may makasalubong akong ahas dito? Sa lahat ng hayop, ahas talaga ang kinakatakutan ko. Kaya naman hirap ako ngayon na ihakbang ang mga paa ko. Gusto ko na lang bumalik sa palasyo at sa hardin na lamang manguha ng mga bulaklak kahit pa konti lang ang pagpipilian, at least alam kong ligtas ako roon. "Ako ang unang maglalakad. Siguraduhin mong nasa likod lamang kita." Kinuha na niya ang dala niyang maliit na espada mula sa bulsa nito. Gagamitin siguro niya ito para putulin at alisin ang malalagong d**o na nakaharang sa dadaanan namin. Ang maliit na espada niyang ‘yon ay dala niya araw-araw. Bumaling siya sa 'kin kaya naman agad akong napatango bilang sagot. Kailangan kong sundin ang sinabi nito dahil alam ko namang para sa ikabubuti ko rin ‘yon.  Magiging alarma na lamang ako kung may ahas man akong makasalubong o kahit anong klaseng hayop pa 'yan. Kasama ko naman si Prinsipe Arsh kaya 'di dapat ako matakot. Nagawa nga niya akong iligtas sa mabangis na hayop na naikwentro namin ni Prinsipe Cozen noon kaya panatag ako ngayon na maililigtas niya rin ako kapag may hindi magandang mangyari ulit. Nauna nang maglakad si Prinsipe Arsh at gaya ng sinabi niya, nasa likuran niya lamang ako na nakasunod sa kaniya. Sa bawat hakbang na aming ginagawa, pumapaibabaw ang tunog ng mga nalulukot na tuyong dahon na aming naaapakan. Abala si Prinsipe Arsh sa pag-alis ng mga nakaharang na ilang sanga ng punong natumba at iba pang naglalakihang mga halaman. Hindi pamilyar sa 'kin ang mga halamang ito dahil ngayon ko lang ito nakita. Isa pa, 'di naman ako mahilig sa mga halaman simula noong nasa modern world pa ako kaya 'di ko matiyak kung may halaman bang ganito sa mundo ko. Basta isa itong uri ng d**o na malago, hanggang tao na ang taas. Ewan ko ba kung bakit ganito na kalalago ang mga halamang ito. Marahil ay walang masiyadong nagagawi rito. Sino ba naman ang may gustong pumunta rito? Napakasukal ng daan! At ilang araw ka ring magtitiis sa katatanggal ng mga malalagong d**o bago tuluyang malinis ito. Ang buong atensiyon ko ay na kay Prinsipe Arsh. Hindi ako nahirapang maglakad dahil natanggal na niya ang mga nakaharang bago pa ako makadaan. Malinis na agad ang dadaanan ko na hindi man lang nag-eexert ng efforts. Sa tantiya ko, mga 10 minutes din kaming naglakad bago tuluyang huminto. May isa pang malagong halaman ang nkaharang pero 'di 'yon naging hadlang para masilip ko ang napakaraming paru-paro at tutubing nagsisiliparan sa ere. Napakaganda dahil sa mga makukulay nitong pakpak. Sabik na sabik na akong malapitan ang mga ito. Napapikit din at dinama ang bango ng hangin. Tila may nag-spray ng pabango sa buong paligid at nililipad ito ngayon sa hangin. Nakakaadik ang bango nito. Hindi ako magsasawang amuyin ito. "Sa wakas, nandito na tayo sa Hardin ng Halimuyak.” Ibinalik na ni Prinsipe Arsh ang ginamit na espada sa lagayan nito na nakasabit sa beywang niya. Tumabi ako kay Prinsipe Arsh at 'di ko napigilang mapanganga sa sobrang pagkamangha. Bakas sa mata ko ang sobrang galak dahil sa nakikita ngayon. Napakaganda ng harding ito! Tila isa itong paraiso dahil sa magandang tanawi na narito. Ang malawak na lupain ay tinaniman ng iba't-ibang uri ng bulaklak. Maayos ang pagkakatanim dahil naka-categorized pa ang mga ito base sa kung anong klase ng bulaklak at maging ang kulay nito ay categorized din. Hindi ko mabilang kung ilang rows ng bulaklak ang narito dahil sa sobrang dami. Nakaparaming pagpipilian para sa gagamitin sa kaarawan ni Haring Valor. Kahit ilang hakbang pa ang lalakarin namin bago makalapit sa mismong hardin, amoy na amoy na ang bango at halimuyak ng mga bulaklak. Ito ang amoy na naamoy ko kanina. Kaya siguro ito tinawag na Hardin ng Halimuyak dahil sa napakabango nitong amoy na nanggagaling sa mga bulaklak na nakatanim dito. "Napakaganda, Prinsipe Arsh!" bulalas ko. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakarating sa ganitong kalawak na hardin. Feeling ko tuloy nasa ibang bansa ako ngayon, 'yong fields of flowers in Japan! Isa iyon sa dream destination ko at balak ko talaga iyon puntahan kapag nagtratrabaho na ako at nakaipon na. Kahit pa nasa harap ko na ngayon ang napakalawak na field na tinaniman ng mga bulaklak, balak ko pa ring tuparin ang pangarap kong iyon. Pupunta pa rin ako sa Japan balang araw! "Tunay ngang napakaganda ng tanawin," pagsang-ayon naman niya. Nang sambitin niya 'yon, 'di pa rin naalis sa labi ko ang ngiti na bumaling sa kaniya. Gano'n na lamang ang gulat ko nang magtama ang aming mga mata, sa 'kin nakatingin si Prinsipe Arsh. Nang nahuli ko siyang nakatingin sa 'kin ay agad niyang iniwas ang kaniyang paningin at itinuon sa ibang direksiyon.  Gaoon din ang ginawa ko para hindi magbigay ng pagkailang sa aming dalawa. Baka hindi sinasadyang napatingin lamang siya kaya naman, ipinagsawalang bahala ko na lamang ‘yon. Lumapit kami sa napakagandang mga bulaklak na naroon. Sinalubong naman kami agad ng mga paru-paro. "Sulit na sulit ang ating paglalakad," wika ko na ngayon ay nasa mga paru-parong nagsisiliparan na ang aking buong atensiyon. Kahit pa yata isang oras kaming maglakad, 'di ako mapapagod kung ganito rin lang kaganda ang pupuntahan namin. Napaka-worth it ng pawis at pagod ko na nilaan sa paglalakad para makapunta rito. "Hindi ba't napakagandang pagmasdan ang bunga ng isang bagay na iyong pinaghirapan?" Napalingon akong muli sa kaniya. Nakatingala ito sa mga paru-parong nakapalibot sa kaniya. "Kaya ba naglakad tayo?" tanong ko. So, ibig sabihin ay p'wede naman kaming makarating dito gamit ang kapangyarihan niya pero mas pinili niyang huminto sa bahagi ng kagubatan kung nasaan kami kanina. Hindi dahil gusto niyang mahirapan kami kung 'di gusto niya lang paghirapan ang isang bagay na alam niyang worth it sa dulo, gano'n ba? Marahan itong tumango. "Kung may nais akong makamit, 'di ko iaasa lahat sa kapangyarihang taglay ko sa pag-abot nito o kahit sa sino mang tao ang nakapaligid sa 'kin. Mas pipiliin kong magpuhunan ng pagod at pagsisikap sa isang bagay na nais kong mapasa'kin. Ayos lamang na mahirapan ako sa una kung sa dulo naman ay sobra-sobra pa ang ibabalik nito." Mas lalo akong humanga sa Prinsipeng nasa harap ko ngayon. Bilib ako sa mindset na mayroon siya. Sa ganitong klase ng pag-uusap, unti-unti ko siyang nakikilala. Ang Prinsipeng malimit ko lang makitang makipag-usap at inakala kong hindi ko kailan man makakasama nang ganitong katagal, ngayon ay nakakakuhanan ko na ng loob. Mabait naman pala ang ikatlong Anak na Prinsipe ni Haring Valor. Hinaharangan lamang ito ng pagkasungit at pagka-cold niya. "Halika na, Zariya. Marami pa tayong pipitasin na mga bulaklak," paalala niya. Naglakad na siya papalapit sa hardin. Dala na nito ang basket na bitbit ko kanina. Doon namin ilalagay ang mga bulaklak na makukuha. Mabuti na lamang at malaki iyon dahil mukhang mapaparami ang aming kukunin. Sumunod ako sa kaniya. Kasabay nang aking paglalakad, ang siya namang pagsayaw sa hangin ng aking buhok, sinabayan din ito ng laylayan ng aking suot na hanbok. Napakapresko at sariwa ng simoy ng hangin. Sinulit ko naman ang oras na iyon para damhin ang sariwang simoy nito. Hinintay ako ni Prinsipe Arsh sa harap ng napakaraming bulaklak. Nang tumigil ako sa harap nito, agad akong pinalibutan ng napakaraming paru-paro. Dumapo sila sa suot ko at ang iba naman ay sa kamay ko. Maging si Prinsipe Arsh ay 'di tinantanan ng mga paru-paro. Tila gusto nilang makipaglaro sa aming dalawa. Inilahad ko ang palad ko at mas lumapad ang ngiti ko nang may isang paru-paro ang dumapo rito. Nabibihisan ito ng matingkad na kombinasiyon ng mga kulay. Kahit pa galawin ko ang aking kamay kung saang nakalapat ang paru-paro, hindi pa rin ito umaalis. "Tila nagugustuhan ka ng mga paru-parong narito," sambit ni Prinsipe Arsh dahilan para maagaw niya ang atensiyon ko. “Kanina ka pa nila sinusundan.” "Ngayon lang ako nakasaksi ng ganitong karaming paru-paro. Napakaganda nilang lahat!" Umikot ako at sumunod din ang mga ito sa pag-ikot ko. Sinasabayan nila ang bawat kilos ko. "Ngunit ang iyong ganda pa rin ang namayani, Zariya." Mahina lang niya itong sinambit pero sapat na 'yon para marinig ko pa rin. Seryoso itong nakatingin sa 'kin ngayon. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko at ang hindi maipaliwanag na pakiramdam. "Ha? May sinabi ka, Prinsipe Arsh?" pagmamaangan ko. Nagkunyari akong 'di ko narinig dahil 'di ko alam ang ire-react ko sa sinabi nito. Ngumiti si Prinsipe Arsh. "Ang sabi ko, halika ka na't kukuha pa tayo ng mga bulaklak." Hinablot niya ang kamay ko at agad kaming naglakad papunta sa gitnang bahagi ng hardin. Nagsiliparan na palayo ang ibang mga paru-paro ngunit may ilan pa ring nanatiling nakadapo sa damit ko. Pumunta kami sa nakahilerang mga pulang rosas. Marahan kong pinasadahan ang mga ito gamit ang palad ko. Isa ito sa mga paborito kong bulaklak. 'Di na ako makapaghintay na pitasin ang mga ito kahit pa maaari akong masugat dahil sa taglay nitong tinik. Akmang magpipitas na ako nang pigilan ako ni Prinsipe Arsh. "Ako na ang bahalang pumitas d'yan, Zariya. Baka masugatan ka pa." "Hindi, Prinsipe Arsh. Ayos lang, mag-iingat na lamang ako." Kung gaano ako nagpumilit na samahan siya sa pagpitas nitong mga rosas ay gano'n naman siya katigas para 'di ako payagan. Kaya ang ending, ako ang tiga-hawak ng basket at siya naman ang tiga-pitas. Marahan niya itong pinipitas upang 'di masugatan at maingat din niyang nilalagay sa basket na hawak ko upang hindi maglagas ang petals o kahit dahon man lang. Ingat na ingat siya sa bawat galaw niya. Medyo inangat ko ang hawak kong basket na may lamang mga rosas upang amuyin ito. Napakabango talaga! Mula sa pagkakayuko ay dahan-dahang tumindig si Prinsipe Arsh. Humarap ito sa 'kin na may hawak na isang piraso ng pulang rosas. Kakaiba ito sa mga rosas na pinitas niya dahil ito ang pinakamalaki sa lahat. "Paboritong bulaklak mo ba ang rosas?" tanong niya. Tumango ako, hindi ako tumanggi. Simula pagkabata, pulang rosas na ang laging binibili ni Mama para ilagay sa vase na nasa bahay dahil pareho naming paborito ang bulaklak na ito. Mga rosas din ang madalas na itanim ni Mama sa harap ng bahay. "Kung gayon, kunin mo ito." Iniabot niya sa 'kin ang hawak niyang rosas. Kahit nahihiya man ay kinuha ko ang binigay ni Prinsipe Arsh. Inamoy ko ito bago bumaling sa kaniya. "Maraming salamat, Prinsipe Arsh." "Hindi ko inaasahan na pareho pala kayo ng paboritong bulaklak," ani nito. Yumuko siyang muli para mamitas pa ng mga rosas. Naging interesado ako sa kung sino ang tinutukoy nito. "S-Sino?" "Isang babaeng sobrang mahalaga sa 'kin. Ang unang babaeng minahal ko, ang aking unang pag-ibig." Nagtaka ako sa sinaad niya. Bukod kay Haya Kaira, may iba pang babae siyang inibig? Sino naman kaya ang tinutukoy ni Prinsipe Arsh at mukhang sobrang mahalaga nga ito sa kaniya. Knowing that it's his first love. "Nais kong ipakilala ka sa kaniya. Pakiramdam ko ay magkakasundo kayong dalawa." Inayos ni Prinsipe Arsh ang nilagay niyang bulaklak sa basket at saka ito tumingin sa 'kin. "Ngunit sa ngayon, kailangan ko munang hintayin ang panahon kung kailan sigurado na ako," dagdag pa nito. Wala akong kaalam-alam sa mga sinasabi niya. Sino itong taong nais niyang ipakilala sa 'kin? Nais niyang ipakilala sa 'kin ang kaniyang unang pag-ibig? Hindi na muling nagsalita pa si Prinsipe Arsh. Tutok na ang kaniyang atensiyon sa pamimitas ng mga bulaklak. Hindi ko na rin ito kinulit pa. Marami na kaming nakuhang mga rosas kaya namin lumipat na kami sa ibang bahagi ng hardin. Pumunta ako kung saan nakatanim ang dahlia, daisy, marigold, sunflower, anemone, pansy at iba pang makukulay na bulaklak na 'di pamilyar sa 'kin. "Prinsipe Arsh, sapat na siguro itong mga bulaklak na gagamitin para sa piging na gaganapin bukas," wika ko. Puno na ng iba't-ibang uri ng bulaklak ang dala naming basket. Marami na ito at kung kukunin pa ang mga bulaklak na nasa hardin ng palasyo, sobra-sobra na. "Kung gayon, magpahinga muna tayo saglit sa punong 'yon." Ang tinutukoy na puno ni Prinsipe Arsh ay ang nag-iisang puno na nakatayo sa gitnang bahagi ng hardin. Ito lang ang puno na nakatanim sa malawak na hardin. "Kaytagal na simula noong huling punta ko rito sa Puno ng Pag-ibig." "Puno ng pag-ibig?" pang-uulit ko. "Oo, ang punong ito ay natatangi dahil ito lang ang nag-iisang puno ng pag-ibig sa Kaharian ng Norland. Tinawag itong Puno ng Pag-ibig dahil dito nagsimula ang pagmamahalan ng aking Inang Reyna at ang Ama kong Hari," panimula nito. Umupo ako sa batong nasa lilim ng puno at nakalapag sa tabi ko ang mga bulaklak na pinitas namin. Nakatayo si Prinsipe Arsh at nakatuon ang atensiyon nito sa buong hardin. Pinagmamasdan ko siya habang nagsasalita. "Sa harding ito unang nagkakilala ang Ina't Ama ko. Ang harding ito ang naging saksi sa binuo nilang pagmamahalan. Dito rin kami bumuo ng mga magagandang memorya kasaman ng aking mga kapatid. Sa tuwing may okas'yon sa aming pamilya, dito ang madalas naming pinupuntahan para magdiwang." Bakas sa boses nito ang saya nang maalala ang nakaraan ng kanilang pamilya. Napangiti rin ako dahil naalala ko ang pamilya ko. Gaya niya ay may isang lugar din kaming madalas na pinupuntahan t'wing family day. Nakaramdam ako ng lungkot dahil miss ko na talaga sina Mama at Papa. Kailan ko kaya sila makakasama ulit? Makakabalik pa kaya ako sa mundo ko? "Pero kung anong saya ang binigay ng hardin na ito ay binawi rin lahat ng sakit at poot na hanggang ngayon ay namamayani sa aming mga puso. Dahil sa hardin ding ito nagtapos ang pag-iibigan ng aking Inang Reyna at Amang Hari." Sumeryoso ako sa pakikinig. Naging interesado ako sa k'wento ng kaniyang mga magulang. Simula noong dumating ako sa palasyo, ni minsan ay 'di ko nakita ang Inang Reyna ng limang Prinsipe. Nasaan nga ba ang Mahal na Reyna ng Norland? Anong nangyari sa kanila ni Haring Valor? "May hindi ba magandang nangyari ba sa iyong Amang Hari at Inang Reyna?" interesado kong tanong. "Nahuli ng aking Amang Hari ang kataksilan ng kaniyang matalik na kaibigan na si Haring Hellion at ng aking Inang Reyna, dito rin mismo sa hardin na ito. Simula noon ay 'di na muling bumalik ang aming pamilya sa hardin na ito dahil pinagbawal na ng aming Ama. Ang hardin na ito ay nagpapaalala sa kaniya tungkol sa kataksilan ng aming Ina." Nanlaki ang aking mga mata. Totoo ba lahat ng aking narinig? May namagitan kay Haring Hellion at sa Reyna ng Norland? Isa ba ito sa dahilan kung bakit may galit na namagitan sa dating magkaibigan na Hari? Kaya ba madali lang para kay Haring Valor na patayin si Haring Hellion noon? ‘Yon ang naging ugat ng lahat? "Pero kahit ano pang alegasiyon ang sabihin sa aming Inang Reyna, 'di pa rin ako maniniwala na kayang gawin 'yon ng aking Ina. Alam kong 'di kailan ma'y nagtaksil ang aking Ina sa 'king Ama," mariin niyang wika. "Pero Prinsipe Arsh, 'di ko alam kung maaari ko bang tanungin ito pero itatanong ko na nga." Nilakasan ko ang aking loob na sambitin ang tanong na nais kong malaman ang sagot. "Nasaan ang iyong Inang Reyna?" Bumaling ito sa 'kin. Hindi ko matukoy kung anong reaksiyon niya dahil walang emosyon na mapipinta sa kaniyang mukha. Direkta lang itong nakatingin sa 'kin. "Ang buong akala ng lahat, patay na ang Reyna ng Norland dahil sa malubhang karamdaman. Lingid sa kanilang kaalaman, buhay ito at kasalukuyang nagtatago sa isang lugar na walang nakakaalam maliban sa isang tao." "S-Sino ang taong 'yon?" "Hindi mo na kailangang malaman ang tungkol sa bagay na 'yon, Zariya." Humakbang siya papalapit sa 'kin. Kinuha niya ang mga bulaklak at nilahad ang kaniyang isang kamay para yayain na akong tumayo mula sa pagkakaupo. Tinanggap ko 'yon at agad niya akong inalalayan hanggang sa tuluyang makatayo. "Tara na't bumalik na tayo. Baka hinahanap na rin ako ni Kharim Celia," ani ko. Irerespeto ko ang privacy niya. Masiyado ngang mapanganib kung aalamin ko pa ang tungkol sa totoong nangyari sa Mahal na Reyna. Mas mabuting wala akong alam. "Zariya," tawag sa 'kin ni Prinsipe Arsh. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Bagkus lalo pa niya itong hinigpitan. Napansin kong bumuntong hininga siya bago niya ako tinitigang muli. "Bago tayo bumalik sa palasyo, maaari ba kitang ayaing maging kapareho ko sa piging na gaganapin bukas?" Hindi ako agad nakasagot. Tama ba ang pagkakaintindi ko? Inaaya ako ni Prinsipe Arsh na maging partner niya sa birthday celebration ng kaniyang Ama?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD