"Anong nangyayari rito?" Bumaling ang atensiyon ko sa bagong dating na Prinsipe, si Prinsipe Nesh. Nilingon siya saglit ni Prinsipe Arsh at agad ring binawi 'yon dahil seryoso na namang siyang tumingin sa akin. Hindi niya pinakawalan ang kaniyang paningin sa kinaroroonan ko. Sinusubukan nitong basahin ang ginawa ko. Dumapo ang paningin ni Prinsipe Nesh sa akin at ilang saglit lang ay napunta ito sa aking kamay dahil sa pagkakahawak ko sa kamay ng Hari. Doon niya nasaksihan ang magandang balita na nais ko sanang banggitin kanina ngunit hindi natuloy dahil sa naging reaksiyon ni Prinsipe Arsh. "Ama?" Dali-daling nilagpasan ni Prinsipe Nesh ang kaniyang kapatid at nagdiretso sa kinaroroonan ko. Inalis ko na rin ang kamay kong nakahawak sa kamay ni Haring Valor at humakbang patalikod upang

