"A-Ayos ka lang ba?" Nilingon ko ang Reyna ng Norland. Ang kaninang galit niyang mukha ay napalitan ng pagkaawa. Ang lumanay na ng kaniyang boses ngayon. Matapos kaming ikulong na dalawa, hindi na niya ako sinigawan. Tahimik lang siyang nakahiga sa sulok at tinitingnan ako. Inalam pa nito kung ayos lang ba ako. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin. "Ayos lang po ako." Lumapit ako sa kaniya. Malaya ang aking mga paa na makapaglakad dahil ang kamay ko lang naman ang iginapos ni Reyna Emily, ang nakilala kong Ina sa mundong ito. Kahit papaano, hindi ako nahihirapang kumilos. Ang nakagapos na kamay ko lamang ang problema ko. Sama ng loob ang naramdaman ko sa ginawa ng aking Inang Reyna sa akin. Hindi man lang niya naisip na maaari akong masaktan. Hindi man lang siya nagbigay ng pakialam sa

