"Zariya?" Natigil ang pagkakatitig ko sa kawalan nang iwagayway ni Prinsipe Arsh ang kaniyang kamay sa harap ko. Pilit nitong kinuha ang atensiyon ko. Doon lang din bumalik ang ulirat ko. "May sinasabi ka, Prinsipe Arsh?" tanong ko. Simula nang makatakas kami sa Kaharian ng Lacandia ay lumilipad na ang isip ko. Hindi ako maka-focus dahil sa mga nangyari. Naiwan ang trauma sa akin noong kami ay bihag pa ni Reyna Emily. Pakiramdam ko nga ay nakakulong pa rin kami at walang kalaban-laban hanggang ngayon. Labis na talaga ang konsensiya na nararamdaman ko. Nasaktan ko pa si Prinsipe Cozen dahil sa pagsabi ng totoo kong nararamdaman para sa kaniya. Hindi ko intensiyon na saktan siya, gusto ko lang siyang imulat sa kaniyang mga maling ginagawa at maitama ito hangga’t hindi pa huli ang lahat.

