Agad akong napatakbo sa kinaroroonan ni Prinsipe Arsh nang makita kong bumalagta ang tatlong kawal ng Lacandia na nasa likuran ko kanina. Kung hindi ito nakita ni Prinsipe Arsh, malamang ay ako ang nasa posisyon nila, ako ang nakabulagta ngayon sa sahig. Wala akong kamalay-malay na nasa bingit na pala ng kamatayan ang buhay ko kanina. Malapit ko na sanang makita si San Pedro. Hindi ko pa naman sila kayang kalabanin dahil tatlo sila. Anong laban ko? Tatlo versus sa isa? Isa pa, wala pa akong sapat na kaalaman sa pakikipaglaban. Paniguradong talo ako kapag nagkataon. Buti nga at ‘di pa rin ito nahahalata ng mga Prinsipe na isa akong Prinsesa ngunit hindi ako marunong na makipaglaban. "Huwag ka matakot, hindi ko hahayaang masaktan ka." Sinalubong ako ni Prinsipe Arsh ng mahigpit na yakap at

