"Paano ako haharap kay Ama na dala ang bunso nating kapatid na wala nang buhay?" nanginginig ang boses ng ikaunang Prinsipe. Nakapalibot kami ngayon kay Prinsipe Ravi na nakaupo habang hawak-hawak si Prinsipe Nesh na pumanaw na. Sa kanilang apat, si Prinsipe Ravi ang labis na naapektuhan. Sinisisi niya ang kaniyang sarili sa pagkamatay ng bunsong Prinsipe. Hindi niya raw ito nailigtas at hinayaang mapahamak. Kanina pang walang tigil sa pag-iyak ang Prinsipe at pilit kinakausap ang malamig na bangkay ng kaniyang kapatid. Hindi niya matanggap na pumanaw na ito. Matapos ng nangyari kay Prinsipe Nesh, bigla na lang kaming naglaho sa palasyo at napadpad dito sa ilalim ng lupa kung saan nakatirik ang Kaharian ng Norland. Lahat kami ay mapapahamak kung mananatili kami sa palasyo dahil wala na k

