"Ama, sigurado po ba talaga kayong kaya niyo na? Baka mahina pa ang inyog katawan, baka kailangan niyo pang magpahinga. Ganoon din si Ina," nag-aalalang wika ni Prinsipe Ravi. “Kaya naman namin kahit huwag na kayong sumama pa.” Kanina pa siya tanong nang tanong kung sigurado ba si Haring Valor at Reyna Amelia na sasama sa amin sa pagsugod sa Norland na pinamumunuan na ni Reyna Emily ngayon. Hindi niya maiwasan na hindi mag-alala dahil sa nangyari sa kanilang mga magulang. Si Haring Valor ay kagagaling lamang sa pagkakalason samantalang si Reyna Amelia ay nagtamo ng mga sugat dahil sa pagkakabihag ng walang awa kong Inang Reyna. "Huwag kayong mag-alala, mabuti na ang aming pakiramdam ng inyong Ina. Sa pagkakataong ito, hindi na kami papayag na hindi tayo sama-sama sa laban na ito. Mas mak

