Nasaan ako? Hindi ako pamilyar kung nasaan ako. Sa ilang buwan ng pananatili sa Kaharian ng Norland, ngayon lang ako nakapunta rito. Sa pagkakaalam ko, walang ganitong lugar sa loob ng palasyo. Wala ako sa palasyo ng Norland ngayon kaya sobra akong nagtataka kung paano ako nakarating rito. Umikot ako upang tingnan ang buong paligid. Napamangha ako sa aking nakita. Napakagandang lugar! Malawak na bukirin na tinaniman ng iba't-ibang uri ng mga bulaklak ang narito. Nasa gitna ako at pinapalibutan ng mga bulaklak na hindi pamilyar sa akin at nais kong malaman kung anong mga klase ng bulaklak ito dahil ang titingkad ng kulay at napakabango pa! Nakakaaliw pagmasdan ang buong paligid lalo na ang mga nagliliparang paru-paro sa ere. Katulad nito ang dating pinuntahan namin ni Prinsipe Arsh noo

