"Hindi ka pa ba bababa? Nais mo bang ipaalam na lang kita kay Ama?" Boses iyon ng pamilyar na tao. "Hindi na kailangan dahil susunod na rin naman ako pagkatapos kong ilagay ang halamang gamot na ito kay Zariya." Nanlambot naman ang puso ko nang marinig ang boses nito. May kung ano sa akin na gusto ko nang gumising ngunit masiyadong masakit ang mga iniinda ko. "Kung gano'n, mauna na ako sa baba." Narinig ko ang pag-uusap ng dalawang pamilyar na tao. Nais ko mang alamin kung tama ang hinala ko na sila nga ang nag-uusap ay 'di ko magawa dahil nakakaramdam pa rin ako ng pagkirot sa bandang ulo ko. Mas pinili kong nakapikit ngunit gising ang diwa ko at patuloy na nakikinig nang palihim. Panibagong sakit lamang ang aabutin ko kapag ipinilit ko pa. Wala na akong nahintay na sagot. Narinig ko

