"Hindi maaari... m-mali ang iniisip ko," nanginginig ang kamay kong ibinaba ang basket na hawak ko. Inilislis ko ang laylayan ng suot kong bestida at nagsimulang humakbang patungo sa lihim na lagusan na pinasukan ni Prinsipe Cozen. Hindi ko na inisip pa ang inutos sa 'kin ni Mang Luisito. Ang mahalaga ngayon, masundan ko si Prinsipe Cozen at masagot ang lahat ng mga tanong ko. Nais kong patunayan na mali ang hinala ko. Importanteng impormasyon ang makukuha ko sa pagsunod sa kaniya. Mas lumakas ang kutob ko pero ayokong paniwalaan iyon. Hindi si Prinsipe Cozen ang taong iyon. Imposible! Hindi niya kayang pagtaksilan ang Kaharian ng Norland lalo na ang kaniyang Amang Hari. Siya ay isa sa mga Prinsipe at ang tungkulin nito na pagsilbihan nang tapat ang kanilang Kaharian at ingatan ang t

