Akala ko ay nabulag na ako matapos kaming lumisan sa piitan dahil walang liwanag akong makita. Nilakihan ko pa ang aking mga mata at kinusot ito, baka sakaling may makita na ako ngunit ganoon pa rin. Nanatili akong madilim ang paningin. Alam kong nasa ibang lugar na kami dahil ramdam kong nakaapak na sa lupa ang dalawang paa ko. Pero ang ipinagtataka ko, bakit wala akong makita? Bakit sobrang dilim ng aking paningin? Mas hugmigpit tuloy ang pagkakahawak ko sa braso ng katabi ko, kay Prinsipe Arsh. Hindi ko maiwasang matakot sa lugar na ito, isang lugar na pinagkaitan ng liwanag. "Nasa ilalim tayo ng palasyo, tama ba, Arsh?" tinig 'yon ni Prinsipe Dern. Sila lang naman ni Ysabelle ang kasama namin bago lumisan sa piitan. Sabay-sabay kaming tumakas at pumunta sa lugar na ito. Kahit hindi

