"Tata Lucio, nasaan ka?" Kanina ko pa iniikot ang puno kung saan siya nakatira pero hanggang ngayon ay 'di pa rin ito nagpapakita sa 'kin. Ni anino nga niya ay ‘di ko mahanap. Nilibot ko na ang punong ito pera wala pa rin. Nasaan na ba siya? "Anong kailangan mo, Prinsesa Amity?" tanong nito mula sa likuran ko. Sa wakas! Agad akong lumingon at tumambad sa 'kin si Tata Lucio, ang natatanging ibon na may alam sa tunay na katauhan ko at ang nilalang na dahilan kung bakit naririto ako ngayon sa Kaharian ng Norland. Nakapatong siya sa isang sanga na 'di kataasan. Nanatili akong nakatayo sa kinaroroonan ko habang nakatingala pa rin kay Tata Lucio. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling, bigla na lamang siyang lumitaw sa sanga na iyon. "May alam ba kayo sa nangyari kay Haring Valor? Kilala n

