Nagising ako dahil sa ingay na aking narinig. Nakapikit pa rin ako ngunit ang aking diwa ay gising na. Tila may nagsisigawan sa labas ng aming silid ni Kharim Celia. Magkahalong sigaw at pag-iyak ang naririnig ko. Idagdag mo pa ang bulungan ng ilang taong naroon. Pinakiramdaman ko ang paligid, hindi pa rin nawawala ang sigawan. Kung tutuusin, mas lumakas pa nga ito. Hindi natigil ang pagpapalitan nila ng mga salita. Anong bang nangyayari? "Ilang beses ko bang sasabihin? Wala nga akong kasalanan! Hindi ko magagawa ang ibinibintang niyo sa akin. Paano ko magagawa ang bagay na ‘yon? Isang hamak na taga-silbi lamang ako!" Pamilyar ang boses na 'yon. Kilala ko kung kanino ang boses na 'yon. Sa araw-araw na magkasama kami, kabisado ko na ang boses niya. Hindi ako maaaring magkamali. Si Ysab

