KABANATA TWENTY

3508 Words

"Maaari ba kitang isayaw, binibini?" Hindi ko na hinayaan pa na magtagal si Prinsipe Arsh sa pagkakaluhod sa harap ko dahil sa totoo lang, ako ang nahihiya. Naagaw na rin kasi namin ang atensiyon ng ibang panauhin sa kabilang lamesa. Baka mas lalo pa rumami ang mga maiinis sa akin kapag nagtagal pa sa harap ko ang ikatlong Prinsipe. Isa pa, sino ang nahihibang na babae na magre-reject sa isang Prinsipe sa gitna ng napakaraming tao? Ang kahihiyan ay mapupunta sa Prinsipe kapag hindi ko tinanggap ang paanyaya nito. Ipinatong ko ang kamay ko sa palad niya. "O-Oo naman, Prinsipe Arsh." Napangiti ito nang marinig ang sagot ko. Marahan siyang tumayo mula sa pagkakaluhod at dahan-dahan niya naman akong inalalayang tumayo. Naglakad kaming magkahawak-kamay patungo sa dance floor. Ang mga kanina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD