Dave Balmillero’s POV Nang masiguro kong nakapasok na siya nang ligtas sa banyo, tumalikod na ako at dumiretso sa kusina. Kailangan kong hugasan ang mga pinagkainan niya. Kumikilos ako nang may kumpas sa loob ng malinis niyang kusina dahil na rin sa practice ko kahapon. Naging pamilyar na ako sa bawat sulok nito simula nung nag-dinner kami rito kagabi. Hindi ko rin maintindihan pero napapagawa niya sa akin ang mga ganitong bagay. Sigurado akong hindi ako naghuhugas ng pinggan o naglilinis ng kusina sa totoong buhay. Heck, nagbabayad ako ng mga housekeeper para gawin 'yan para sa akin, pero heto ako ngayon, ginagawa ang lahat nang mag-isa. Matapos maghugas at maglinis ng lababo, pinatuyo ko ang mga kamay ko nang biglang may kumatok sa front door. Napuna ko ang kilay ko. Sino naman ang b

