Fauna Mendoza's POV Pagkatapos kong maligo, nagsuot ulit ako ng puting sweatshirt at long johns. Sobrang kumportable talaga sa pakiramdam ang mag-long johns tuwing may period ako. Buti na lang at umentra na ang pain killers, medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Gusto ko sanang magbabad pa sa banyo. Aminado ako, nagtatampo pa rin ako dahil sa nakita kong tawag kahapon—’yung galing kay Honeybunch. Gustong-gustong kong tanungin si Dave tungkol doon pero wala akong lakas ng loob. Heto ako, halos mamatay sa konsensya dahil nakipag-date ako kay Fourth noong isang araw, pero si Dave naman pala, may pa-Honeybunch pang nalalaman? The heck?! Napabuntong-hininga ako; naiinis na naman ako. Matapos magpatuyo ng buhok, lumabas na ako ng kwarto pero napakunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Ma

