Dave Balmillero’s POV Ipinark ko ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada, tapat mismo ng kinalalagyan ng apartment ni Fauna. Pagpatay ko ng makina, saglit akong napatitig sa dashboard. Bitbit ko ang isang paper bag na naglalaman ng paborito niyang lunch. Halos mag-aalas dose na ng tanghali at sa sobrang kilala ko si Fauna, alam kong nakalimutan na naman niyang kumain dahil sa rami ng inaasikaso niya. Gusto ko siyang sorpresahin, gusto kong kahit sa maikling oras ng tanghalian ay makasama ko siya at makitang ngumiti. Pagbaba ko ng sasakyan, sinalubong ako ng mainit na simoy ng hangin, pero hindi ko 'yun pinansin. Mabilis ang bawat hakbang ko patungo sa pintuan ng unit niya. Hawak ko ang lunch nang buong ingat, tila ba isang mamahaling kayamanan ang dala ko. Iniisip ko pa lang ang magiging r

