Fauna’s POV Napabuntong-hininga ako nang napakalalim—pangalawa, pangatlo, hindi ko na mabilang. Parang sasabog ang utak ko sa sobrang pag-iisip kaya naman mariin kong sinabunutan ang sarili ko sa tindi ng frustrasyon. Pakiramdam ko, mababaliw na ako. Fauna Mendoza, ano bang ginagawa mo sa buhay mo? Noong matapos ni Dave ang tawag niya kanina, nagpaalam lang siya nang mabilisan. Kailangan na raw niyang bumalik sa opisina para asikasuhin ang Balmillero Group. At ngayon, heto ako, naiwang mag-isa sa malawak at malamig na espasyong ito, nilalamon ng isang katotohanang kanina ko pa pilit na itinatago sa sarili ko. Nasa malaking problema ako. Isang malaking, nakakalunod na problema. Hindi ako pwedeng mahalin si Dave Balmillero. Hindi talaga pwede. Sa simula pa lang, alam kong bawal. It was a

