FAUNA MENDOZA’S POV Bigla na namang nag-ring ang phone ko. Napa-frown ako. Seryoso ba? Ano bang meron sa araw na 'to at hindi ako tinatantanan ng mga tawag? Pagtingin ko sa screen, si Kianna ang tumatawag. Huminga muna ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko bago sumagot. "Fauna!" halos mabingi ako sa tili ni Kianna pagka-pick up ko pa lang. "Ano na naman?" tamad kong sagot. "’Wag kang pa-simple! I-chika mo na sa akin... anong nangyari sa inyo ni Dave kagabi?" Tunog teenager siya na uhaw na uhaw sa gossip. "Walang nangyari," pagsisinungaling ko. "Inalagaan ko lang ’yung lagnat niya." "And?" "Kianna," napabuntong-hininga ako, biglang naramdaman ang antok at pagod. "Susunod na lang, okay? Kailangan ko nang magpahinga." "Aww." Sigurado akong naka-pout na ang bruha sa kabilang

