FAUNA MENDOZA’S POV Nakatitig lang ako sa screen ng phone ko, halos hindi humihinga habang pinapanood ang pag-ilaw nito sa gitna ng madilim kong kwarto. Isang unknown number ang tumatawag. Sa totoo lang, nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Baka kung sino lang ’to, o baka naman isa sa mga naniningil ng utang na pilit ko nang tinatakasan. Pero sa pang-apat na ring, parang may sariling buhay ang daliri ko na nag-slide sa screen. Itinapat ko ang phone sa tainga ko pero hindi ako nagsalita. I waited for the person on the other side to break the silence. "Fauna? It's me, Joana." Halos mapatalon ako sa gulat. Muntik ko nang mabitawan ang phone ko sa sobrang kaba. "Oh, Mrs. Balmillero!" Agad akong napaayos ng upo sa couch, tila ba nasa harap ko ang ginang kahit sa tawag lan

