Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng kotse, agad akong tinanong ni Johny, ang driver na tila anino ko na rin sa bawat galaw ko. "Saan po tayo unang pupunta, Miss Mendoza?" "Sa Rakuh a Payaman muna tayo, pakisuyo," sagot ko nang walang pag-aalinlangan. Gusto kong makita ang Marlboro Hills. Isa itong malawak at luntiang pastulan sa Batan Island kung saan ang langit at dagat ay tila nagtatagpo. Dito kami huling naglakad-lakad noon nina Mama at Papa, magkahawak-kamay habang nilalanghap ang sariwang hangin at pinapanood ang mga baka na payapang nanginginain. Sariwa pa sa isip ko kung gaano kalambing si Papa kay Mama noong huling beses kaming narito. Parang naririnig ko pa rin ang alingawngaw ng tawanan namin. Nangako si Papa sa akin noon na balang araw, babalik kaming lahat dito bilang

