Fauna’s POV Nagising akong malamig na ang espasyo sa tabi ko sa kama. Napadaing ako dahil sa dull pain sa mga mata ko—bunga ng hindi pagtulog nang maayos kagabi. Matapos kaming humiga ni Dave Balmillero, nanatili lang akong dilat at hindi gumagalaw sa loob ng mga bisig niya. Rinig na rinig ko ang kanyang stable breathing; mahimbing na siyang nakatulog matapos mag-goodnight. He kept his arms around me as if he was afraid I’d vanish into the Batanes fog if he let go. Sobrang awkward para sa akin, kaya naman I froze my body. Hindi ako naglakas-loob na gumalaw kahit isang pulgada, natatakot na baka magising ko ang natutulog na bilyonaryo. Honestly, hindi ako makapaniwala. We spent the whole night together nang walang nangyayari. Walang s*x. Somehow, I felt grateful na hindi niya sinamanta

