Bigla na lang may kamay na sumulpot mula sa kung saan at inabutan ako ng isang baso ng juice. Parang nabasag ang pagmumuni-muni ko at nagising ako mula sa aking dreamy state. "Enjoying the view?" tanong ni Dave. Napatingin ako sa kanya habang tinatanggap ko ang baso. Tumayo siya sa tabi ko, at kitang-kita na bagong ligo siya dahil basa pa ang buhok niya at halatang nagpalit ng fresh clothes. Amoy na amoy ko ang bango ng sabon na humahalo sa faint smell ng wine na iniinom niya mula sa sarili niyang baso. I cleared my throat para hindi halatang na-distract ako sa presensya niya. "Uh-huh... Uhm, Dave, thank you." "For the drink?" tanong niya na may halong pang-aasar. Ngumiti ako nang bahagya. "Yes, and for bringing me here sa Batanes." Nagkibit-balikat lang siya at inihilig ang siko sa r

