Fauna Mendoza’s POV "Mukhang nakatagpo ka yata ng ginto nitong mga nakaraang araw, Mendoza." Sarkastikong sabi ni Brandon habang mapanuring nakatingin sa akin. Binibilang niya ang makapal na bundle ng pera na iniabot ko sa kanya—puro isang libo, malutong at amoy bangko. "Saan mo ba nakukuha ang lahat ng 'to, ha? Baka naman illegal 'to?" "May sarili akong trabaho, Brandon. Pinaghihirapan ko 'yan kaya tanggapin mo na lang," sagot ko, pilit na pinapatatag ang boses ko. Si Brandon ang may-ari ng tinitirhan kong apartment, at sa loob ng ilang buwan, siya ang naging bangungot ko dahil sa mga banta niyang palalayasin kami ni Mama. Kung alam lang niya kung ano ang naging kapalit ng bawat libong piso na ibinabayad ko sa kanya. Kung alam lang niya ang lansa at sakit na tinitiis ko sa kamay ni Dav

