Fauna Mendoza’s POV Pagkalipas ng ilang sandali, dumating na ang mga pagkain namin. Sa bango at itsura pa lang ng mga putaheng nasa harap ko, biglang naglaho ang lahat ng pag-aalinlangan ko. Hindi ko mapigilang magdaop ng mga kamay sa tuwa nang makita ang paborito kong baked mac na umaapaw sa cheese. Bulong na nagpasalamat muna ako sa Itaas bago ko nilantakan ang pagkain nang may gana. Habang tahimik kaming kumakain, bigla siyang bumasag sa katahimikan. "So Fauna, tell me about yourself?" tanong ni Dave. Napatigil ako sa pagnguya at tinaasan siya ng kilay. "So, nilibre mo ba ako ng lunch para lang i-interrogate ako?" "Hindi ko matatawag na interrogation 'to. It’s more of... uh... getting to know each other." Uminom siya ng tubig at napansin ko ang bahagyang pagkailang sa kanya. Para s

