♞♟♜♚ Malakas na humalakhak ang mga manonood, tila ba nakapanood sila ng isang comedy show kung makatawa at panay ang kutsa kay Reo. Naghahampasan pa ang iba sa kakatawa, mga pamanghusgang salita ang kanilang binabato sa binata. Habang si Alexis naman ay takang-taka sa kung ano ang nangyayari sa kaniyang kalaban na hanggang ngayon ay nakasalampak pa rin sa lupa at hindi gumagalaw. Hindi niya mawari kung maiinis ba siya o ano sa kinikilos ni Reo, ang buong akala niya ay malakas ito at ramdam niya 'to sa unang pagkikita nila ngunit simula nang magbago ang itsura ninto ay tila ba nagbago na rin ang kinikilos ninto. Samantalang si Reo naman ay pinagpapawisan nang malamig, hindi niya alam bakit ganun ang nangyari sa kaniya, hindi siya makapaniwala na mabilis siyang lumagapak sa lupa nang subu

