♞♟♜♚ Sa guild ng White Rose, naghahanda na ang mga guild member ni Leo para sa panibagong level na ina-assign sa kanila ng council, tatlong araw na kasi nung unang pinasok ng ibang guild ang level fifty five at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik ang mga players na pumasok sa loob ninto. Mabilis na natapos ng ibang guild ang na unang limang level at sa loob lang ng tatlong araw ay muling umikot ang assignment kung sinong guild na ang muling saasbak sa loob ng level fifty five. Sinuot ni Kyle ang kaniyang uniporme at inayos ang kaniyang kwelyo sabay sukbit ng kaniyang spear sa kaniyang lalagyan sa likod, tumingin siya sa kaniyang sarili sa salamin at muling napatingon sa loob ng kaniyang kwarto. Hindi niya alam bakit tila gusto niya pang humilata sa kama at matulog na lang, para

