♞♟♜♚ Mabilis na kumalat sa loob ng guild nila ang balita ng pagbabalik ni Reo sa Redredach City, halos na puno ng usap-usapan ang buong guild hall dahil matagal na nila nais makilala ang taong nasa likod ng isa sa pinaka matagumpay na guild sa loob ng zero to hero game. Tinipon ni Kenneth ang lahat ng guild members sa guild hall upang maayos na ipakilala si Reo sa lahat ng members nila, lahat ng mga members ay hindi na makapag-intay at puno ng kuryosidad ang bawat usapan sa loob ng kastilyo. "Good evening guys," bati ni Kenneth habang nakatayo sa taas ng hagdan at tinitingala ng bawat members nila, puno ng mga pagkain ang bawat mahahabang mesa sa guild hall, may hawak silang mga baso ng alak at ready na sa pagsasaya na mangyayari ngayong gabi. "Alam niyo na siguro kung bakit tayo may p

