CHAPTER 26

2109 Words

♞♟♜♚ "So, ang gusto mong sabihin ay ikaw si Labo?" Tanong ni Kyo at halos mahilamos na ni Reo ang kaniyang mukha dahil kanina pa siya paulit-ulit sa pagpapaliwanag na siya nga ang kaibigan nilang si Reo. "Ako nga Kyo," sagot ni Reo at unti na lang ay mauubos na ang kaniyang pasensya sa kakatanong ng kaibigan at sa paulit-ulit nitong pagkukumpirma sa kaniya. "Pero pano? Saka ang layo ah, masyado kang gwapo at macho para kay Hiro," sagot ni Kyo at hindi naman malaan ni Reo kung ano ang mararamdaman sa sinabi ng kaibigan. Alam niyang malaki ang pinagbago ng kaniyang katawan dahil sa pagle-level up ng character niya pero grabe naman ang natatanggap niyang pangungutya galing sa kaibigan. 'Sa totoo lang hindi ko alam na ganito ang magiging reaksyon nila sa pagbalik ko, gano ba ko kapanget no

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD