♞♟♜♚ Panay ang lingon ni Reo sa hindi pamilyar na lugar, nagtataka kung saan ba siya na punta at gulong-gulo sa kaniyang mga nasasaksihan. Halo-halong mga player ang nasa loob ng guild, may mga nag-iinum, mga nagpapahinga, may ibang nagtatrabaho at iba naman ay nagsasaya lang. "Kochi! Kochi!" hiyaw ng isang babae na dumaan sa kaniyang harapan, na panganga siya sa suot ninto na akala mo ay nag ko-cosplay ng isang sexy anime character. "Chotto matte! Rika chan!" tawag ng babaeng sumunod dito na nakasuot ng isang bunny outfit kaya naman agad napayuko si Reo dahil sa hindi niya kayang tumingin sa ganoong bulgar na damit ng babae. "Anong nangyayari? Nasa japan server ba ko?" tanong niya at pinindot ang setting ng kaniyang system saka in-on ang button ng auto translate words sa kaniyang scre

