♞♟♜♚
Masayang lumabas ang anim sa loob ng kweba at sine-celebrate ang pagkapanalo nila, panay ang puri kay Reo at yakap naman ni Kenneth sa braso ninto.
"Isang level na ang na clear na'tin 99 na lang!" Hiyaw ni Kenneth at nang sabihin niya ito ay agad na napakamot sila Kyo ng ulo.
"Grabe 99 pa," reklamo ninto at lahat sila ay biglang tinamad.
"Isipin mo kung nakakatakot na 'yung itsura ng level one monster na 'yun, ano pa kaya sa mga susunod na level?" Tanong ni Mal at sabay-sabay silang nagbuntong hininga.
"Isipin niyo na lang na at least naka-clear na tayo ng isang stage ng game no! Hindi mabubuo ang one hundred kung walang one!" Sagot naman ni Kenneth at pilit na mino-motivate ang mga kasamahan niya.
Samatalang si Reo naman ay panay ang tingin sa inventory ng system niya, binabasa nang paulit-ulit kung saan galing ang susi na nakuha niya sa level one boss ng stage na ito.
Alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya nilagyan ng ganung features ang laro na ginawa niya, alam niya ang bawat ditalye rito kaya nagtataka siya sa kung saan galing ang bagay na iyon.
Hindi na siya makapag-intay na subukan ang bagay na iyon pero may kailangan pang oras bago ito magamit.
Hindi niya rin alam kung sasabihin niya ba sa mga kasama ang bagay na iyon, dahil alam niya na kung malaman ng iba ang tungkol sa bagay na iyon ay lalo silang kakabahan katulad ng kaba na nararamdaman niya ngayon.
Kung nagtitiwala si Kyo sa kaniya dahil alam nila ni Kenneth na siya ang may gawa ng game at alam ang bawat pasikot-sikot dito ay paniguradong kakabahan ang dalawa kung sabibihin niya na may kakaiba sa larong ginawa niya at hindi ito ang mismong game na kaniyang prinogram.
Pansin niya kasi na may pagbabago sa loob ng game, mula sa kalaban kanina hanggang sa kakaibang susi na nakuha niya.
"Reo, ayos ka lang?" Nagulat siya nang bigla siyang akbayan ni Kyo at ibulong ito sa kaniya.
"Ayos lang naman," sagot ninto pero ramdam ni Kyo na may kakaiba sa kinikilos ng kaibigan, iniisip niya na baka dahil ito sa nangyari sa kanilang laban kanina at hindi pa rin maalis ang takot kay Reo dahil ang kaibigan naman ang totoong nakalaban nang malapitan ng halimaw.
"Sigurado ka ah, salamat sa effort mo kanina," saad ni Kyo sabay tapik sa balikat ng kaibigan para gumaan naman ang loob ninto.
"Thank you rin sa pagpapalakas ng loob haha," sagot niya naman kay Kyo at tumango na lang ito.
"Hoy! Dalian niyo! May sasabihin ako!" Hiyaw naman ni Kenneth habang iniintay sila ng apat sa hindi kalayuan palabas ng gubat.
Nang makarating sa open field ay tinipon sila ni Kenneth at halatang excited ito sa kaniyang sasabihin.
"Ano ba 'yun bata? Ano sasabihin mo?" Usisa ni Kyo at nakinig naman nang tahimik si Reo.
"Nakatanggap ako ng email mula sa labas!" Sagot ninto na kinagulat nilang lahat, agad na nakiusisa si RU at Kyo habang pinag-aagawan ang atensyon ni Kenneth.
"Anong sabi! Dalian mo kung ayaw mo mabasag bungo mo bata!" Utos ni RU at ito na naman ang bibig ng dalaga na walang preno.
"Ano 'yun Kenneth? Saan galing? Anong sabi?" Usisa rin ni Kyo at inawat sila ni Mal dahil halata nitong nalilito na si Kenneth at lalong hindi makapag-umpisa dahil sa kaguluhan ng dalawa.
"Kalma guys, lalong hindi masabi ni Kenneth 'yung sasabihin niya kakamadali niyo eh hahaha," saad ng dalaga at kumalma naman si Kyo habang si RU ay panay ang senyas kay Kenneth na sabihin niya na ito uraurada.
"Okay ganito, paglabas natin ng cave may na received akong email galing sa bank," sagot niya at lahat naman sila ay kumunot ang noo.
"Bank?" Tanong naman ni Reo at tumango si Kenneth.
"Yep, sa GG playstore at sabi ninto na approved na raw ang card ko para sa transaction na gusto ko gawin," sagot niya at lalong naguluhan ang mga ito dahil hindi nila alam kung importante ba ang bagay na iyon o hindi dahil alam naman nila kung gano kayaman si Kenneth at mabibili ninto ang mga gusto sa shop.
"Oh, tapos? Alam namin na rich kid ka at ililibre mo kami ng weapon at skin mamaya pero anong meron?" Tanong ni Kyo at tinignan naman siya ni Kenneth nang mapanghusga dahil wala naman siyang balak manlibre ng skin.
"Ang ibig kong sabihin ay pwede na ko mag purchased ng kahit ano," sagot niya at sabay-sabay na nagtanong ang lima.
"Kahit anong?" Tanong nila at napabuntong hininga na lang si Kenneth dahil minsan hindi niya alam kung mga slow ba ang mga kausap niya o talagang mahina lang ang mga ito pumik-up.
"What I mean ay kahit ano! Kahit isang malaking bahay para sa 'ting lahat!" Sagot ni Kenneth na kinabigla nila.
"Ibig sabihin lang ninto ay hindi niyo na kailangan gumastos para sa titirahan natin at dahil hindi na kayo gagastos ay mas mabilis kayo makakaipon para sa mga weapon at potion na kailangan niyo!" Paliwanag pa ni Kenneth at halos manlaki ang mata ng lima at nagsigawan sila Ahruem sabay takbo kay Kenneth at pinang gigilan ito.
"Hulog ka ng langit bata!" Sabi ni Ahruem at pinaghihila nilang tatlo ang pisnge ni Kenneth at si Kyo naman ay panay batok dito.
Si Reo naman ay tuwang-tuwa dahil mas mabilis niya nga maiipon ang battle points niya kung hindi siya gagastos para sa titirahan nila, makakabili na siya ng magagandang sandata at mapapalitan na ang mga level one weapon niya.
"Tara na bumili na tayo ng materials at bahay para sa game!" Aya ni Kenneth at lahat sila ay masayang sumunod sa kaniya at excited sa bahay na titirahan nila.
Una ay humanap muna sila ng magandang pwesto kung saan nila itatayo ang bahay na gusto nila, dahil nasa loob lang sila ng game ay lahat ng lupain dito ay pwede nilang tayuan ng bahay hindi katulad sa totoong mundo na kung saan kailangan mo muna bumili ng lupain.
"Kung makakaipon tayo pwede pa natin palakihin ang bahay natin para sa iba pang members na gustong sumali sa itatayo nating guild," saad ni RU kay Reo habang nakatingin silang dalawa sa tanawin na nasa harapan ng lupaing na pili nila.
"Kung bubuo tayo ng guild, ano kaya ang pangalan ninto?" Tanong naman ni Ahruem at agad na nakaisip si Reo ng nais niyang ipangalan ngunit dahil mahiyain ang binata ay nanatili lang siyang tahimik at nakikinig sa usapan nila.
"Mamaya niyo na pag-isipan 'yan! Hindi ko pa nga alam pano 'to!" Tawag sa kanila ni Kenneth at agad naman lumapit sa kaniya si Reo.
"Anong bahay ba ang gusto mong itayo?" Tanong niya at pumili naman si Kenneth mula sa mga bahay na nasa store saka ito tumigil sa tapat ng isang malaking mansion.
"Ito ang gusto ko kuya Reo," bulong niya at napa-atras naman si Reo sa laki ng bahay na nais bilhin ni Kenneth.
"Bakit may problema?" Usisa ni Kyo dahil napansin niyang hindi makapaniwala si Reo.
"Ito raw ang gusto niya bilhin," sagot naman ni Reo kay Kyo at napanganga na lang din si Kyo nang makita ang halaga.
"Huy guys! May problema ba?" Usisa rin ni Mal at sumunod na ang dalawa pa saka naman sumilip sa screen ni Kenneth at nakita ang presyo ng mansion na nais nintong bilhin.
"Alam mo bang kung bibilhin mo 'yan ay para ka na ring bumili ng isang condominium sa totoong buhay?" Tanong ni Kyo at umiling naman si Kenneth.
"Hindi pero okay na 'to mas mura pa nga ito kesa sa castle na gusto kong bilhin," sagot ni Kenneth sabay scroll sa pinakadulo ng shop at pinakita ang malaking palasyo na nais niya.
"Owww sheeeet, ang mahal!" Sagot ni Kyo at tumingin kay Reo sabay bulong.
"Kung may bibili talaga ng diamond castle na 'yan sa game na binuo mo, for sure limpak-limpak ang sasahurin mo sa trabaho," bulong ninto at napakamot na lang si Reo kaniyang ulo.
Nilagay nila ang features na iyon sa game dahil alam nilang may mga gamer na kayang gusmastos ng ganoong kalaki sa isang laro pero hindi akalain ni Reo na sa mismong harapan niya makikita ang taong bibili at magwawaldas ng pera sa ganitong klaseng bagay.
"Ano na? Ito na lang mansion ah, pagyumaman pa tayo bibilhin ko 'yang palasyo," sagot ni Kenneth at napapangiwi na lang ang mga kasama sa kayamanan ng batang kanilang kasama.
"Turuan mo ko pano 'to gawin kuya Re— Hiro," muntikan na naman madulas si Kenneth sa pagtawag ng pangalan ni Reo kaya pinanlakihan niya ito ng mata at ngingiti-ngit na lumapit sa kaniya.
"Ganito, bibilhin mo muna lahat ng mga materials tapos click build," turo ni Reo kay Kenneth at ginawa ninto bawat steps na tinuro sa kaniya ni Reo saka sila umurong at pwesto kung saan nila itatayo ang bahay.
Nang mapindot na ni Kenneth ang screen ay lumabas ang map sa buong level one landscape saka niya pinindot ang pwesto kung saan nila ito ilalagay.
Nang mapwesto niya ang mansion sa map ay bigla na itong lumabas sa kanilang harapan at para bang tunay na mansion ang nakikita nila ngayon anim.
"To-totoo ba 'tong naki-kita ko?" Na uutal na tanong ni Kyo habang pinagmamasdan ang laki ng bahay na kailan man ay alam niyang sa panaginip niya lang mabibili.
"Wow! Sobrang ganda!" Hiyaw ni Ahruem at si Mal naman ay panay ang turo at hampas sa tulalang si RU.
"Ehem, guys pwede na tayo pumasok sa loob," sagot ni Kenneth at na unang naglakad papunta sa main entrance ng mansion at lahat naman sila ay nagsisunuran sa likod ng bata.
Nang makapasok silang anim sa loob ay manghang-mangha sila sa kagandahan ng mansion, may laman at kagamitan na ito, kumpleto na rin sa lahat ng kanilang mga kailangan.
"Dini-sign pa ito ng kilalang interior design sa bansa," bulong ni Reo habang hindi makapaniwala na makakapasok sa loob ng ganito kagandang mansion.
"Pwede na kayong mamili ng kahit anong room na gusto niyo, maganda siguro kung magkakadikit na tayo para kung may emergency mabilis tayo makakatakbo sa isa't isa," sagot naman ni Kenneth at mabilis na nagsitakbuhan ang lima paakyat ng hagdan.
"Akin 'yung pinaka malaki ah!" Hiyaw ni Kyo at nakipagpaligsahan kay RU sa pag-akyat ng hagdan.
"Asa ka naman na ibibigay ko sa 'yo 'yun! Akin 'yung masters bedroom!" Sigaw ni RU at para bang hindi nila na isip na dapat kay Kenneth ang malaking kwarto dahil ito ang may ari ng bahay.
"Guys? Pano ako?" Tanong ni Kenneth sa sarili at panay naman ang tawanan nila dahil sa pagmumukha ni Kenneth na luging-lugi.
Mabilis na pumasok si Reo sa unang pinto na nahawakan niya, alam niya ang kwarto na ito dahil minsan niya nang nasilip ang interior ng mansion na ito nung nag che-check pa lamang siya ng program ng laro.
Agad niyang pinihit ang seredula ng pinto at tumambad sa kaniya ang isang kwarto na puno ng black and white theme, mula tiles na tila ba chessboard hanggang sa mga gamit na akala mo ay mga chess pieces.
May malaki ring biranda sa tapat ng kaniyang higaan na nakatapat naman sa malaking lawa na kaharap ng mansion.
Kitang-kita ang magandang tanawin mula rito at ang bilog na buwan sa loob ng game, hindi mawala ang excitement niya at mabilis na inikot ang buong silid.
"Ang ganda!" Hiyaw niya sabay talon sa malambot na kama na ramdam na ramdam niya.
Sa mga oras na iyon ay ni isa sa kanila ay hindi naisip na nakakulong pa rin sila sa loob ng game, para bang lahat sila ay na e-enjoy ang kasiyahan na dapat naman talaga nilang maramdaman habang nilalaro ang game na ito.
Sandaling napawi ang mga isipin nilang anim dahil dito, idagdag pa ang masayang pagkapanalo nila sa level one boss.
"Guys! Bumaba muna kayo!" Sigaw ni Kenneth mula sa baba ng hagdan at agad naman na nagsisunuran ang lima at nakita ang nakahandang pagkain sa kanilang harapan.
"Woooah! Saan galing 'yan?" Tanong ni Kyo at agad na kumaripas ng takbo papunta sa mahabang mesa.
"Sa bulsa ng daddy ko," sagot naman ni Kenneth at natatawa na lang si Reo saka umupo sa tabi ni Kyo.
"Guys! Ngayon ay ise-celebrate natin ang pagkapanalo natin sa level one boss ng stage na ito, at syempre hindi mangyayari ang lahat ng iyon kung hindi dahil kay kuya R—Hiro," muntikan na naman itong madulas na kinatawa na lang ni Kyo at nagbigay naman ng mini heart attack kay Reo.
"Wuuuuhuuu! Banzai kay Hiro the hero!" Hiyaw naman ni Ahruem at lahat sila ay hinawakan ang isang baso ng alak at tinaas ito para sa isang cheers!
Ininum nilang lima iyon habang si Kenneth naman ay pinagbawalan nilang mag-inum at pinalitan ang kaniyang alak ng isang basong tubig.
"Seriously guys? Kahit sa game bawal mag inum?" Tanong ninto at nagsitawana na lang sila dahil sa nagmamaktol na mukha ni Kenneth.
TO BE CONTINUED