CHAPTER 21

2007 Words

♞♟♜♚ Mabilis na nagsisitakbuhan ang mga maliliit na halimaw habang isa-isa silang binabaril ni Reo mula sa himpapawid, bawat kalaban niya naman sa alapaap ay umiiwas sa kaniyang paglipad patungo sa kanila. Halos kalahati sa bayan ay nalinis na ni Reo at wala siyang pinapalagpas na kahit isang halimaw na kaniyang madaanan. Hindi niya hinayaan na makalusot kahit isang maliit na halimaw sa kaniyang paningin at bawat mapatay niya ay nagbibigay sa kaniya ng malaking mana at EXP. "Tatakas ka pa ah," bulong niya sabay asinta sa isang maliit na halimaw na nagtatago sa loob ng building at mabilis naman itong naglaho nang tamaan ito ng bala ng baril ni Reo. Mabilis niyang napapatay ang mga ito ngunit hindi maikakaila na kahit mabilis niyang napupuksa ang mga kalaban ay hindi pa rin ito maubos-ub

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD