♞♟♜♚ Naglalakad si Reo sa isang abandunadong baryo, puno ng mga halaman ang buong paligid, tahimik at tanging ihip ng hangin at mga huni ng ibon ang kaniyang naririnig. Hindi niya alam pano nagkaroon ng ganitong klaseng lugar sa mapa. Dahil halos lahat ng mga lugar na kaniyang na puntahan ay nababalot ng kaguluhan, apoy at sakuna. Pero ang lugar na ito ay kakaiba, pansin niya rin ang mga maliliit na hayop na nagtatago sa gubat at tumatakbo sa open field na puno ng iba't ibang kulay ng mga bulalak. Naninibago si Reo, hindi agad makapag-adjust ang kaniyang isipan sa ganda ng tanawin kumpara sa kung saan siya galing. Sa lumipas na pitong buwan na paikot-ikot siya sa buong lugar ay ngayon lang siya nakakita ng ganitong katahimik na part ng mapa. Hindi niya tuloy maiwasan magtaka at iniisip

