♞♟♜♚
Umaga na nang makalabas ang dalawa sa Imp's cave sa level one stage ng game, parehong pagod na pagod at halos gumapang na palabas. Hindi makapaniwala si Reo na mapapasabak pa uli siya bilang support player dahil kay RU na ayaw magpatalo sa kaniya.
"Sabi ko naman sa 'yo ay maabutan kita sa level hehe," biro sa kaniya ng dalaga habang sinisiko-siko pa siya ninto at nang tignan niya ang screen na nasa harapan niya ay nakita niyang nag level up pa siya ng dalawa at ngayon ay level seven na.
"Buti na lang at hindi tayo napahamak, sobra akong nataranta nung makita ko 'yung itsura ng monsters sa loob. Grabe ang realistic naman kasi ng graphic para tuloy kaharap ko talaga sila," daldal ni RU habang si Reo naman ay nakayuko lang at nakikinig sa dalaga dahil hindi pa rin ito sanay na makipag-usap sa iba.
"Kung sabagay, parang totoo naman lahat sa loob ng game na 'to," banggit ni RU, sa mga katagang iyon ay ramdam ni Reo ang lungkot sa boses ng dalaga kaya napatingin siya rito at nang tignan niya si RU ay nakatingin ito sa malayo.
Kitang-kita sa mga mata ng dalaga ang pagkamangha sa tinitignan ninto sa kalayuan kaya naman napalingon din siya rito at nakita ang unang pagsikat ng araw sa loob ng game.
"Tignan mo, sobrang ganda ng pagsikat ng araw kahit na sabihin mong nasa loob lang tayo ng game at hindi totoo ang bagay na nakikita natin," dagdag ng dalaga at napatingin din si Reo sa magandang tanawin sa harapan nila.
Unti-unti nilang nakikita ang pagsikat ng araw sa gitna ng mga bundok sa hindi kalayuan, na sasangga ng mga puno ang nakakasilaw na liwanag ninto kaya naman kitang-kita nila ang magandang pag-angat ninto sa langit.
Hindi mapaliwanag ng dalawa kung bakit pakiramdam nila ay nanonood talaga sila sa pagsikat ng araw, tila ba pati ang init na dulot ninto ay ramdam nila sa kanilang mga balat nila.
"Minsan kaya gusto ko mabuhay sa virtual world ay para makakita ng ganitong tanawin na mahirap na makita sa totoong mundo," bulong ni RU kaya naman napalingon si Reo sa kaniya at nakita niya kung pano tumama ang sikat ng araw sa maputing balat ng dalaga at sa buhok nitong kulay asul na dahilan ng lalong pagtingkad ng kulay ninto.
"Ang ganda no?" muling tanong ni RU kay Reo at agad naman sumagot si Reo habang nakatitig sa dalaga. "Ang ganda nga," sagot niya habang patuloy na nakatulala kay RU.
"Tara na, baka hinahanap na tayo ng mga kasama natin," aya sa kaniya ng dalaga na pumutol sa pagkatulala niya at agad naman siya sumunod sa paglalakad nila pababa ng burol.
Sa paglabas ng gubat ay nakita ni Reo sina Kyo at Kenneth na nag-iikot-ikot sa lugar. Nakita niyang nag-aalala ang dalaga na naghahanap sa kaniya kaya naman kumaway siya sa dalawa para matawag ang mga pansin ng mga ito.
"Kuya Kyo, si Kuya Reo!" tawag ni Kenneth kay Kyo at agad naman itong lumingon sa direksyon nila Reo sabay takbo sa kinaroroonan ng kaibigan.
Lubos na nag-aalala si Kyo para sa kaibigan dahil alam niyang nag-iisip ito na umalis mag-isa na hindi niya naman papayagan dahil alam niya kung gano kapanganib ang mundong kanilang pinasok. Sa kanilang tatlo nila Reo at Kenneth ay siya ang unang nakaramdam kung gano katotoo at kung gano kapanganib ang larong ito kaya naman hinding-hindi siya papayag na mapahamak ang kaibigan sa mismong larong ginawa ninto.
"Labo! Ang lakas ng amats mong animal ka!" hiyaw niya at malakas na binatukan si Reo saka ito hinawakan sa magkabila balikat at ilang beses na inalog-alog.
"Saan ka nagpunta? Pumunta ka ba sa level two agad-agad? Bakit hindi mo ko ginising? Alam mo bang malalagot ako sa nanay mo pag may nangyari sa ‘yong masama?” tanong niya sa kaibigan at agad naman umiling si Reo.
"Hi-hindi, nag-nagpa-level lang," sagot naman ni Reo sabay turo sa kasama niyang si RU.
"Ka-kasama ko si RU!" dagdag ninto at tinuro ang dalaga na gulat na gulat dahil kaya pala magsalita ni Reo nang sunod-sunod pagkasama ang kaibigan nintong si Kyo.
"Hi?" naguguluhang bati ni RU kay Kyo at agad naman natameme si Kyo nang makita kung sino ang bagong napulot na player ng kaibigan niyang si Reo.
"Ru-RU?" na uutal nitong tanong sabay bitaw kay Reo at napanganga sa harap ng dalaga.
"Ah, hahaha hello," bati sa kaniya ng dalaga at si Reo naman ay tinulungan ni Kenneth na makatayo nang ayos dahil ramdam ninto ang hilo dulot ng pangangalog ni Kyo sa kaniya. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng memorya sa ilang segundo dahil sa pagkahilo.
"Ah- he-hello!" sagot naman ni Kyo at mabilis na nagtago sa likod nila Kenneth at Reo dahil sa hiya, hindi naman nagpatalo si Reo at nagtago rin sa likod ni Kenneth na ngayon ay tatawa-tawa na lang sa kahihiyan na pinapakita ng mga kuya niya.
Mga torpe ba ang mga kuya ko? Legit? Bakit ako ang nahihiya para sa mga pinagagawa nila? Isip ni Kenneth habang tatawa-tawa sa harap ni RU.
"RU!" napalingon naman silang lahat nang marinig ang pagtawag na iyon sa hindi kalayuan. Nakita ni RU ang dalawang kaibigan na kasama niya maglaro ng game, sina Mal at Ahreum na matalik niyang kaibigan sa gaming community.
"Kanina ka pa namin hinahanap! Akala ko ba maghahanap lang tayo ng buff?" tanong ni Ahreum sa kaibigan at napalingon sa tatlong lalaki na hindi niya kilala.
"Sino na naman 'yang na budol mo RU?" tanong ni Ahreum at narinig naman nila ang isa pang kaibigan na si Mal na humihiyaw sa hindi kalayuan.
"Guys! May nakita akong level one monster dito!" tawag niya sa mga kaibigan at napatahimik din nang makita ang iba pang players na hindi niya kilala.
"Ah guys, sila Hiro at mga kaibigan niya nga pala. Hiro si Mal at Ahruem," pagpapakilala ni RU sa mga kaibigan niya at kala Reo sa isa't isa. Masaya namang kumaway si Kenneth sa dalawa habang si Reo at Kyo naman ay nagtatago pa rin sa likod ni Kenneth.
"Ah pasensya na guys, medyo shy type kasi ang mga kuya ko pagdating sa mga babaeng players, pero wag kayo matakot hindi sila nangangagat," paliwanag ninto sabay batok ni Kyo kay Kenneth at tatawa-tawa na lang sila RU at ang mga kaibigan ninto.
Lumapit naman sina Mal at Ahruem kay RU saka patagong bumulong dito habang hindi nakatingin ang tatalo sa kanila na abalang nag-uusap ng sunod na plano nila.
"RU, sino naman 'yang mga 'yan? Saka sure ka bang si Hiro 'yan? ‘Yung top global player?" tanong ni Ahruem na sinang-ayunan naman ni Mal.
"Oo si Hiro 'yan saka kasama ko siya nakipaglaban kanina," sagot naman ng dalaga sa mga kaibigan at halatang nagbago ang expression sa mukha ng dalawa.
"Nakipaglaban ka? Ayos ka lang ba?" Tanong naman ni Mal at nag-aalalang tinignan ang mukha ng kaibigan.
Tumango naman si RU. "Oo, mabilis naman nag heal 'yung mga sugat ko dahil sa pagle-level up ng character ko pero hindi ko maitatanggi sa inyo na ramdam ko bawat sakit, takot at kaba nung kaharap ko ang mga kalaban kanina," sagot ni RU at bakas sa mgga mukha ng kaibigan niya ang kaba kung sakaling danasin nila ang dinanas ng kaibigan.
"So, totoo talaga 'tong lahat? Hahaha, umaasa pa rin kasi ako na baka prank lang 'to," sagot ni Ahruem na narinig din ng tatlong magkakaibigan at ramdam nila ang bigat ng paligid dahil doon.
Lahat naman sila ay ganu'n din ang nais isipin, na sana lahat ng ito ay isang malaking biro lang at makakalabas din sila sa loob ng game na ito pero halos mag iisang araw na sila sa loob ng laro at ni isang exit button ay wala silang mahanap para makalabas dito.
"Wala na tayong magagawa, andito na tayo kaya magpa-level up na lang tayo at i-sure na kaya natin ang level two montser bago tayo pumunta sa stage na 'yun," sagot ni Kyo at napatingin naman silang lahat sa binata.
"Anong level mo na ba kuya Kyo?" usisa naman ni Kenneth at napakamot sa ulo si Kyo sabay tingin sa screen niya.
"Level one," maikli nitong sagot at bilang natawa sina Mal at Ahruem kaya naman unti-unti nawala ang mabigat na pakiramdam sa paligid nilang lahat.
Napangit naman si Reo dahil kahit papano nakahanap siya ng mga bagong kaibigan na alam niyang makakasama niya sa larong ito.
"Napagpasyahan namin na bumuo ng grupo or guild para mas mabilis tayo makapag-clear ng game," sagot ni RU sabay tingin kay Reo at nahihiya naman tumango ito.
"Ikaw na magpaliwanag Hiro," sagot naman ni RU at nahihiya itong umiling.
"Dali na, mas magaling ka kesa sa akin at mas mukhang alam mo ang pasikot-sikot dito kaya dapat ikaw ang maging leader namin," sagot ng dalaga sabay hampas sa balikat ni Reo kaya muntikan na ito mapasubsob sa harapan nila.
"Ba-bakit ako ang leader?" tanong ni Reo at panay ang tingin kay Kyo para tulungan siya sa gulong pinasok niya pero nakangiti lang ang tropa niya at panay ang thumbs up sa kaniya.
"Ikaw kaya ang top global player dito, syempre dapat malakas leader namin para malakas din ang guild natin," sagot ni RU at napakamot na lang si Reo ng ulo dahil alam niyang mahihirapan siyang magtago ng totoo niyang pagkatao kung dadami pa ang mga kasama niya.
"Pe-pero—"
"No buts! Kailangan natin ng magaling na leader para lahat tayo makalabas ng buhay dito, isa pa magaling kang tactician at pangako naman namin na gagawin namin ang best namin para maging magaling na members," dagdag ni RU at lahat naman sila ay sumang-ayon dito at ngumiti sa harap ni Reo.
Ngayon lang nakaramdam ng ganito si Reo, 'yung aasahan siya ng mga tao ng buong-buo. Simula elementary hanggang kolehiyo ay hindi niya naranasan na makasama sa isang grupo, mapa-assignment man 'yan o group project ay lagi siyang na pag-iiwanan. Siya 'yung last choice member ng mga kaklase niya at sapilitan pang pinipili dahil sa weird at nerd siya.
Pero ngayon sa mundong ito, pakiramdam niya ay malaki ang role niya at ramdam niya na kailangan siya. Sa mundong ito ay nakikita niya ang halaga niya sa bawat players na nasa paligid niya.
Hindi maiwasan maging masaya ni Reo dahil sa pagtitiwala na binibigay ng mga bagong kaibigan niya, pero may takot din sa puso niya na baka magbago ang tingin nila sa kaniya kung malaman nilang siya ang may gawa ng game kung saan sila nakakulong ngayon.
"Hayaan mo men, bilang tank at protector ay kasangga mo ko," sabi sa kaniya ng kaibigan sabay tapik sa balikat niya.
"Ako rin kuya R— Hiro maasahan mo ko d'yan kahit bano ako maglaro," sagot naman ni Kenneth at sa wakas nakita na rin nila ang tunay na ngiti sa mukha ni Reo na mahirap mahagip ng mata.
"Salamat guys, gagawin ko best ko para makalabas tayo rito ng buhay," sagot niya at nakita niya ang mga kaibigan na masayang nakangiti sa kaniyang harapan.
Sa ngayon ay magpo-focus muna ako sa game at sisiguraduhin na lahat kami ay makakalabas dito ng magkakasama, at para magawa ko iyon ay dapat maging magaling akong leader para sa kanila. Sambit ni Reo sa kaniyang isipan habang nakatingin sa mga bagong kaibigan.
"Tara na at magpa-level, saan ba kayo nag pa-level ni RU?" usisa ni Kyo sabay akbay sa kaibigan at bulong.
"Ikaw ah, sinolo mo si RU mag-isa?" pang-aasar ninto at agad naman namula si Reo sabay yuko at paulit-ulit na iniling ang kaniyang ulo.
"Hi-hindi! Pano ko magagawa 'yun eh, hindi nga ko makapagsalita ng tuwid pagkasama siya," bulong naman ni Reo kay Kyo at malakas na tumawa si Kyo dahil masyadong inosente ang kaibigan na si Reo.
"Hahaha! Biro lang 'to naman, tara na nga at hindi pwede na kayo lang ang magpapa-level up," sagot ni Kyo at napangit na lang si Reo saka sila naglakad patungo sa loob ng gubat.
"Wait lang, makikipaglaban ba agad tayo d'yan ng hindi man lang kumakain?" tanong ni Mal na nagpapigil sa lima kaya naman natawa sila at tumango rito.
"Tama siya, nagugutom na ko!" reklamo naman ni Kenneth at sabay-sabay nila tinignan ang HP nila.
Si Reo at RU ay kalahati na lang ang HP samantalang sila Kyo naman ay may 20% na bawas dito.
"Tara kain muna, para ma-full ang HP bago sumabak sa labanan," aya naman ni RU at tumango ang lima saka sila pumunta sa bayan para makabili ng makakain sa loob ng game na ito.
"Grabe pati gutom ramdam ko sa loob ng game na ginawa mo," bulong ni Kyo kay Reo at pinanlakihan lang siya ninto ng mata dahil kabado na marinig ng iba ang usapan nila.
"Ay sorry, gutom lang labo," sagot sa kaniya ni Kyo at nagtungo na sila sa pinakamalapit na bilihan ng pagkain.
TO BE CONTINUED