CHAPTER 11

2121 Words
♞♟♜♚ City of Redredach ang sentro ng level one stage, kung saan mahahanap mo ang karamihan ng mga kailangan gamit, pagkain at matitirahan ng bawat player sa loob ng game. Dito rin ang sentro ng populasyon ng mga tao, dahil sa stage one ay kayang-kaya pa ng mga normal na Artificial Intelligence ang mga halimaw na nakatira kasama nila. Samantalang sa ibang stage ay dinesenyo ito para sa papahirap na papahirap na mga lakaban na magbibigay excitement at thrill sa mga players. Sa paglalakad ng anim ay halata sa mga mukha nila ang pagkamangha sa mataong lugar, na tila ba ay nasa totoong pamayanan sila kung saan marami kang makakasalamuhang mga tao na namumuhay nang normal. Maraming mga pamilihan sa lugar, puno ng iba't ibang pagkain at mga kagamitan. Mayroon ding panuluyan para sa mga traveler na katulad ng character nila Reo ngayon. "Bili na kayo! Potion! Weapons!" Tawag sa kabila't kanan ng mga tindero't tindera na nasa harapan nila. "Grabe, computer program lang ba lahat ng mga tao rito ngayon?" Tanong ni Ahruem at hindi pa rin makapaniwala sa nakikita nilang realistic na kaganapan. "A.I lang sila pero hindi ko ramdam, feeling ko tao talaga sila," dagdag naman ni Kyo at tumakbo sa isang tindahan ng mga prutas. "Ano kayang lasa ng mansanas na 'to?" Tanong ni Kyo at bumili ng prutas, sumunod si Kenneth at nagsisunuran na rin silang lima. Na iwan si Reo roon habang nakatulala pa rin at nakatingin sa buong paligid, hindi makapaniwala na lahat ng ito ay ginawa at prinogram ng team nila. "Ganitong ganiyo 'yung na i-imagine kong mundo sa loob ng larong ginawa ko," bulong niya at tinignan ang buong lugar kung saan maraming mga bahay na yari sa bato, mga bubungan na gawa rin sa bricks at ang mga tindahan na magkakahalera sa daan kung saan sari-sari ang kanilang ibinibenta. "Re—Hiro! Tara, tikman mo 'to ang sarap!" Muntikan na siyang matawag ni Kyo sa kaniyang tunay na pangalan at natawa na lang dahil mukhang sarap na sarap ang kaibigan sa kaniyang nalalasahan. Naka-program ang Zero to Hero game base sa nilalabas na imagination ng utak nila, idagdag pa na may touch sensory na rin ang program nila na hindi naman dapat kasama sa larong ini-launch kahapon. Kaya kung ano ang iniisip mong lasa ng pagkain na kakainin mo sa loob ng game ay ganu'n ang out come na lalabas ng utak mo. "Tikman mo 'tong tinapay, umuusok pa ang sarap!" Aya ni Kyo habang manghang-mangha sa paligid niya. "Puno na HP mo magtira ka sa inventory mo para mamaya," sagot naman sa kaniya ng kaibigan na si Reo at sinunod niya naman ito saka kakatwang ipinasok ang tinapay sa screen ng inventory niya at lumabas naman ito roon. "Para ka lang may dalang digital refrigerator hahaha," sagot ni Kyo at nag-ikot pa sila sa bayan ngunit sa pag-iikot ni Reo ay na pansin niya ang ibang player na nakaupo lang sa sulok ng iskinita at 'yung iba naman ay hindi na gumagalaw. Napatingin si Reo sa mga kasamahan na ngayon ay abala sa pagtitingin ng mga weapon sa isang shop kaya naman hindi niya natiis na lapitan ang ibang players na tila ba hindi na nais gumalaw. "Ah, excuse me?" Tanong niya sa isang lalaki na nakayuko at nakaupo sa ilalim ng puno. Inangat ninto ang kaniyang ulo at halagang naaalibadbaran sa character ni Reo ngayon na nakasuot lang ng track suit at tyinelas. "Ano?" Maikli nintong tanong at inabutan naman siya ng isang tinipay ni Reo. "Ah, baka lang naman nagugutom ka na," sagot niya sa lalaki at kumunot ang noo ninto. "Anong aasahan mong gawin ko? Kainin ang imaginary na tinapay na 'yan? Kumain ng graphics sa loob ng game na 'to!" Hiyaw at tanong ng lalaki kay Reo na nakatawag pansin ng iba pang players na nakatambay lang sa park. "Pe-pero mu-mukhang mababa na ang HP mo at ku-kung magpatuloy na bu-bumaba iyan ay paniguradong ma-mamatay ang character mo," sagot ni Reo sa kaniya at tumayo naman ang lalaki saka yumuko dahil sa kaliitan ni Reo. "Tapos ano? Sunod na mamatay ang katawan ko sa labas ng game na 'to?" Tanong sa kaniya ng lalaki at napalunok naman siya dahil nakakatakot ito at sobrang laki kumpara sa kaniya. "Hiro!" Tawag ni Kyo sa hindi kalayuan at aawatin sana silang dalawa ngunit agad na hinarang ni Reo ang kamay niya at umiling. Kahit na ngangatog, kahit hindi sanay si Reo sa pagsasalita sa harap ng ibang tao ay pinilit niya pa ring ibigay ang pagkain sa lalaki. "Wa-wala tayong magagawa kung hindi lumalaban para makalabas sa game na 'to, alam kong mahirap pero hahayaan mo na lang ba mamatay ka rito ng hindi man lang sinusubukan lumaban?" Tanong ni Reo sa lalaki at alam niya sa sarili niya na iyon din ang tanong na nais niyang itanong sa kaniyang sarili. Iyon 'yung tanong na pilit niyang pinapaalala sa kaniyang isip para lumaban at lumaban hanggang sa makalabas siya sa mundong ito para muling makasama ang kaniyang ina. "Kung gusto niyo malakabas dito ay kailangan niyo muna magpalakas para makalaban," sagot ni Reo at lahat ng mga players na nakarinig nu'n ay unti-unting tumayo at nabuhayan ng loob. "Hindi ba si Hiro 'yun? 'Yung top global?" Tanong ng ilan na nakakakilala sa kaniya at nagsimula na ang usapan sa buong paligid niya. Unti-unti rin na ramdaman ni Reo ang kaba at hiya dahil hindi siya sanay na nasa kaniya ang atensyon ng lahat. "Kung may top global na kasali sa game, hindi imposible na ma-clear natin ang final boss," sabi naman ng isa at sumang-ayon na silang lahat. Pakiramdam tuloy ni Reo ay pasan niya ang mundo at lahat ng buhay nila ay nasa kaniyang kamay. Isang malaking responsibilidad at kulang ang tiwala niya sa sarili para buhatin iyon mag-isa. "Kumalma kayo, hindi makakaya ng isang player ma-clear ang buong game lalo na kung kailan ng party or squad sa ibang stage ng laro, kaya balak namin bumuo ng guild para magtulungan at maka-clear ng levels," sagot naman ni RU dahil pansin niya na iaasa na lang ng ibang players ang laro kay Reo. "Si RU ba 'yun? Woah, isa pang top player may pag-asa na tayong malakabas dito," sagot ng isa at lahat na sila ay nabigyan ng pag-asa na makalabas sila sa game na ito. "Oo may top player tayo, pero hindi pwedeng sila lang ang gagawa ng lahat ng stage para sa inyo, kailangan nating magtulungan dito!" Dagdag ni Kyo at isa-isa naman silang nag sisang-ayunan. "Pero pano naman kami makakatulong? Anong kailan naming gawin?" Usisa ng isang player at si Ahruem naman ang sumagot. "Parang RPG game lang, ano ba ang unang ginagawa sa ganitong klase ng laro?" Tanong niya at nagtinginan ang ibang players. "Nagpapa-level up," sagot ng isang lalaki sa likod at tumango naman si Ahruem. "Sa ngayon ay pinupuno muna namin ang HP namin dahil pag na ubos ang laman ng health bar na 'to ay alam niyo na kung ano ang mangyayari, kaya kahit alam niyong digital lang ang pagkain, bagay o ano pa man sa mundong 'to basta't natutulungan ninto tumaas ang HP niyo ay kunin niyo," paliwanag ni RU at muling nag usap-usap ang mga players. Tumingala naman si Reo sa lalaking kausap niya kanina saka niya inabot ang tinapay rito, nakatitig lang ang lalaki at tila nagdadalawang isip pang tanggapin ito pero nung maglaon ay kinuha niya na rin 'to sa kamay ni Reo at sinubo sa kaniyang bibig. Agad na nag heal ang fatigue sa kaniyang katawan at na dagdagan ang HP level niya. "Pwede kayo mag farm ng mga level one monsters para makakuha ng battle points or 'yung pera sa mundong 'to, sa paraan na 'yun ay maaari kayong bumili ng pagkain, damit o miske bahay," paliwanag ni Mal. "Pero pano kung mamatay kami sa simpleng level one monsters lang?" Tanong naman ng isa at umiling si Reo. "May weapon sa bawat inventory niyo, kung anong weapon ang kukunin niyo ay ganun din ang role niyo sa game na 'to." Paliwanag ni Reo at sumunod naman ang iba na hindi pa alam kung saan kukunin ang weapon nila. "Tandaan niyo na team fight ang larong 'to kaya pumili kayo ng iba't ibang role ayon sa mga kakampi niyo, para mabilis kayo mag level up," turo naman ni RU at bumuo naman ng group ang mga players ayon na rin sa turo nila Reo. Nakita nila na unti-unting nabubuhayan ng loob ang mga players na parang kanina lang ay suko na sa kanilang buhay. Lahat sila ay bumuo ng grupo kung saan lahat ng role ay mayroon sila. Tinuruan ni Reo ang ibang players na baguhan lang sa role playing game at 'yung iba naman ay nagsimula na mag farm at maghanap ng buff sa buong lugar. "Salamat Hiro," sagot sa kaniya ng isang player na tinuruan niya maging swords man. Tumango siya rito dahil hindi pa rin siya sanay na pasalamatan at nahihiya pa rin makipag-usap sa ibang tao. "Ano? Mukhang kailangan na rin natin mag pa-level para makapunta na tayo sa stage two," sabi ni Kyo sa kaibigan at tumango naman ito. "Pero pano tayo mapupunta sa level two kung hindi pa natin nahahanap ang boss sa level na 'to?" Tanong naman ni Kenneth sabay suot ng gloves niya. "Ah, sa katunayan niyan ay nahanap ko na," sagot ni Reo sa lima at lahat naman sila ay napatingin sa kaniya. "Agad? Natalo mo na ba?" Tanong ni Kyo at umiling naman siya. "Hindi pa, sayang kasi eh," sagot ni Reo sabay tawa ni RU at 'yung apat naman ay takang-taka. "Sayang ang alin?" Sabay na tanong nina Kyo at Kenneth. "Sayang kasi pag napatay niya 'yung final boss ay mauubos na 'yung unli tyanak este unli buff sa cave," paliwang ni RU at napayakap sa isa't isa sina Mal at Ahruem nang marinig iyon. "Unli tyanak? As in 'yung mga baby na monster?" Tanong ni Ahruem at tumango naman si Reo at RU bilang sagot. "Iyon ba 'yung kakalabanin natin sa cave? Seryoso ba kayo?" Si Mal naman ang sunod na nagtanong at tumango-tango na lang si RU sabay akbay sa dalawa niyang kaibigan at inaya na itong bumalik sa loob ng gubat kung na saan ang lungga ng mga tiyanak. "Tara na, pa-level na kayo," aya din ni Reo sa dalawang kaibigan ngunit nang lingunin niya ang mga ito ay paurong na naglalakad ang dalawa. "Hu? Saan kayo pupunta? Dito ang Imps cave," sagot ni Reo at umiling nang mabilis si Kyo. "Mag trauma pa ko sa toro kahapon! Tapos ngayon naman tyanak?" Tanong ninto at si Kenneth naman patagong naglalakad palayo sa kanila. "Huy Kenneth! Wag kang pupunta sa direksyon na 'yan, maraming wild monsters d'yan!" Paalala naman ni Reo at napapihit ng lakad si Kenneth sabay yakap sa braso ng kuya Reo niya. "Waaah! Bobo po ako maglaro! Ayoko mamatay!" Paghingi ng tulong ni Kenneth at panay ang kuskos ng mukha ninto sa braso ni Reo. "Ha? Seryoso ba 'yan?" Tanong naman ni Kyo sa bata at tumango-tango ito habang tulo ang uhog at panay ang hinghot. "'Di ba gamer ka? Kahit papano dapat may alam ka na combo sa mga skills," dagdag ni Kyo at pakamot-kamot lang si Kenneth sa kaniyang ulo. "Kaya mo 'yan, player ka rin naman at alam kong marunong ka maglaro," sagot naman ni Reo pero panay lang ang iling ng bata na pinagtaka nilang dalawa. "Alam mo naman siguro na fighter ka 'di ba?" Tanong ni Kyo at nagtatakang tumingin sa kaniya si Kenneth. "Ha? Saan nakikita 'yun?" Inosente nintong tanong kaya napanganga na lang si Reo sabay turo sa gloves na suot niya. "Ah fighter ba pag may gloves? Akala ko design lang," sagot ni Kenneth at sabay na nasapo nila Reo at Kyo ang noo nila. "Nakikinig ka ba sa tutorial kahapon?" Tanong ni Kyo at ngumiti lang si Kenneth sabay iling kaya pigil na pigil ni Kyo ang kaniyang kamao na tumama sa bunbunan ng bata. "Teka nga, gamer ka ba talaga or gusto mo lang subukan ang bagong laro na 'to kaya sumali ka?" Usisa ulit ni Kyo at ngumiti ulit si Kenneth. "Uso eh, syempre gusto ko i-try," sagot ninto at napailing na lang si Reo habang hindi na napigilan ni Kyo na sabunutan ang kaniyang buhok sa stress na dulot ng rich kid na batang kasama nila. "Libre ko na lang kayo gems saka battle points hehe," sagot ni Kenneth at sabay nilang iniwan ang bata roon na panay ang sigaw at habol sa kanila sa paglalakad. "Sandali!!! May ambag naman ako ah! Wag niyo ko iwan!" Sigaw ni Kenneth habang habol sa dalawa niyang kuya. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD