CHAPTER 12

2123 Words
♞♟♜♚ Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapamili si Kenneth ng sandatang kaniyang gagamitin sa pagpasok sa loob ng Imp's cave, panay ang scroll sa screen na kaniyang kaharap habang na una naman na sila RU at mga kaibigan ninto na pumasok sa loob. "Hindi ka ba nahihiya sa mga kasama nating babae? Kanina ka pa d'yan hindi ka pa rin makapili ng gagamitin mong weapon," reklamo ni Kyo at natataranta naman si Kenneth na humarap kay Reo na pinagtaka ninto. "Kuya Reo! Pwede bang hindi na lang ako pumasok sa loob n'yan? Hindi talaga ako marunong makipaglaban promise," pagmamakaawa ni Kenneth kay Reo at napakamot na lang ito ng kaniyang batok dahil hindi niya rin alam ang gagawin na desisyon. Halata naman ni Reo na beginner pa lamang ang bata at wala itong ibang alam sa laro, maswerte na lang talaga si Kenneth at mayaman ang kaniyang ama kaya naman nakakabili ito ng mga kailangan para mabuhay sa loob ng game. Napabuntong hininga si Reo saka tumingin sa loob ng kweba, alam niyang nakikipaglaban na ang tatlo doon at ayaw niya naman hayaan na maiwanan ang dalawa niyang kaibigan sa pagle-level up ng team nila. Tumingin siya kay Kenneth na kulang na lang ay lumuhod sa kaniyang harapan at panay pa ang puppy eyes. "Okay lang ba sayo na iwan ka namin dito sa level one?" tanong ni Reo at lumabi naman ang bata sabay mabilis na iling. "Kung ganu'n kailangan mo talaga magpa-level up, pasensya na Kenneth pero wala ka talaga choice kung ayaw mo magpaiwan dito," paliwanag ni Reo at muli tumingin si Kenneth sa kaniyang screen at pumunta sa shop kung saan sandamakmak na mga weapon ang na roon. Hindi pa rin siya makapili kaya naman kung ano anv nakita niyang may malaking halaga ay iyon ang kinuha niya. "Sabi nila pag expensive ay mas maganda 'di ba?" Tanong niya sabay hugot ng isang napakalaking espada at nang lumabas na ito nang buo sa screen ay agad siyang napaluhod sa bigat ng sandata na hindi niya mabuhat-buhat. "Ahahaha! Sayang dias (diamond) mo, akin na lang 'yan hindi mo mabubuhat 'yan hahaha," sagot naman ni Kyo sa bata at sumimangot ito sabay kuha ni Kyo ng malaking espada na walang hirap niyang nabuhat dahil level three na siya. Kumikinang ang espada at isip-isip ni Kyo ay naka-jackpot siya sa ganda ng weapon na nakuha niya for free. "Kung ako sa 'yo ay mag support ka muna tapos pag nakapag-level up ka na tuturuan kita gumamit ng ibang weapon," paliwanag ni Reo sa kaniya at maluha-luhang yumakap si Kenneth sa binti ni Reo at panay ang pasasalamat dito. "Salamat Lodi cakes!" Sabi niya at tatawa-tawa na lang si Reo sabay kuha ng isang magic book sa shop at ito ang pinagamit kay Kenneth saka sila pumasok sa loob ng kweba kung saan nakikipaglaban ang tatlo. Unang pumasok si Reo habang nagtatago ang dalawa sa kaniyang likod, nakita nila na nakikipaglaban ang tatlo sa hindi kalayuan. Support player muna si RU sa dalawa niyang mga kaibigan para makasabay ang dalawa sa taas ng level niya at ganu'n din ang ginawa ni Reo sa dalawa. "Ti-ti-tiyanak ba-ba talaga yu-'yun?' nauutal na turo ni Kyo at umakyat ang kilabot sa dalawa nang makita ang mga kakalabanin nila na handa na sumugod pagkapasok pa lamang nila ng lugar. Alam ni Reo na kailangan na nila mag-umpisa dahil baka mapag-iwanan sila ng mga iba pang kasamahan kaya naman agad niyang tinulak ang dalawa sa harap ng mga kalaban. "Hoy sandali! Bwisiet ka Labo!" Hiyaw ni Kyo habang si Kenneth naman ay panay ang sign of the cross sa takot. "Hahaha, ganiyan din ako nung una ko silang nakita," sagot naman ni Reo at panay ang bulong ni Kyo habang nasa harapan ang mga maliliit na halimaw. "Hindi kayo totoo, hindi kayo totoo!" Bulong ninto at buong lakas na sumugod sa mga tiyanak na nasa kaniyang harapan, samantalang si Kenneth naman ay sinimulan na gawin ang makakaya niya para suportahan si Kyo mula sa likod kahit na nanginginig pa ang mga kamay ninto at hindi man lang mabuklat nang ayos ang mga pahina ng grimoire niya. Samantalang si Reo naman ay tahimik lamang na nagmamatyag habang hindi niya hinahayaan na bukas ang likod ng dalawa niyang kaibigan kaya nakakagalaw ng maayos si Kyo kahit na halata sa mga galaw ninto na kabadong-kabado ito tuwing malalapitan siya ng mga kalaban. Si Kenneth naman ay pinipilit na gawin ang makakaya niya para maging support sa Tank, siya ang bahala mag-heal at magbigay ng lakas, bilis at iba pang kailangan ng player sa game. Kalimitan ang kapangyarihan ng support ay kasama sa mage or magician kaya naman sa likod lamang sila ng Tank o ng fighter na poprotekta sa kanila habang sila naman ang nagbibigay ng heal at support sa Tank at iba pang fighter. Tinitignan lang ni Reo kung pano maglaro ang mga kasama niya at siya naman ay walang kahirap-hirap na natatalo ang mga kalaban na sumusugod sa kaniya, nang masolo na ni Reo ang galaw ng bawat monster sa loob ng cave ay madali na lang sa kaniya sundan ang mga galaw ninto at matalo kaya naman karamihan ng mga level one monster ay hindi na nagtatangkang sugurin siya. "Kuya Hiro! Tignan mo nakapatay ako ng isang imp!" masayang tawag sa kaniya ni Kenneth at hindi na papansin ang nagbabadyang pagtalon ng isang imp mula sa kisame ng cave, agad nakita ni Reo ang mga pulang mata ninto sa dilim at mabilis na binunot ang cross bow sa inventory sabay pana sa ulo ng tiyanak na kinagulat ni Kenneth. Natulala na lamang siya matapos mabilis na dumaan ang pana sa gilid ng tenga niya at mabilis na bumagsak ang tiyanak saka ito naglaho sa paningin niya. Akala ko papanain na ako ni kuya Reo, nakakatakot ang mga mata niya kapagseryoso. Isip ni Kenneth. Hindi mapigilan ni Kenneth na kabahan ng kaunti sa pinakitang lakas ni Reo sa pakikipaglaban. "Kailangan pag nasa loob ka ng laban ay hindi mo ibababa ang atensyon mo sa buong paligid, lalo na pag-alam mong hindi sila na uubos," paalala naman ni Reo habang nahihiya sa tingin na binibigay sa kaniya ni Kenneth ngayon. "Yes Idol! Ang angas mo talaga!" sagot ninto sabay balik sa pakikipaglaban ngunit natigil silang lahat nang may malakas na ingay ang umugong sa buong lugar, lahat ng mga imp ay nagsitakbuhan sa dulong bahagi ng kweba. "Mukhang parating na ang boss sa level one," sabi ni RU at lahat sila ay nag siurungan pabalik sa lagusan palabas ng kweba ngunit nang lingunin ni Ahruem ang daan ay sarado na ito at may harang na barrier na gawa sa mga numero at letra na kulay green. "Guys, parang hindi tayo makakalabas anytime," bulong ninto at lahat naman sila ay napalingon sa lagusan. "Ow sheeet! Bakit sarado? Pano tayo makakapag-retreat incase na hindi tayo makapalag?" Tanong naman ni Kyo at mabilis na tinignan ni Reo ang level niya. Kalimitan ang mga level one monster na katulad ninto ay kayang-kayang patayin mag-isa ng kahit sinong player sa level one, ang problema lang nila ay 'yung katakot-takot na sakit na kanilang mararanasan na magiging dahilan ng kanilang pagkatalo sa laban. "Back up-an niyo ako, susubukan kong mag front player," sagot ni RU at agad na kumunot ang noo ni Reo dahil alam niyang kabado rin naman ang dalaga pero hindi lang ninto pinapakita dahil kapag lahat sila ay nagsimulang mag-panic ay panigurado lahat sila ay mamatay sa level one boss na ito. "Sasamahan kita sa front line," sagot naman ni Reo at tumango lang sa kaniya si RU sabay pilit na ngumiti sa harapan ng binata. Humanga naman siya sa tapang na pinapakita ni RU at hindi mawari kung saan niya nakita ang mga ngiti na iyon. "Anong kayo ang mag po-front line? Gawain ng tank iyan!" Awat naman ni Kyo at inihanda ang malaking shield na hawak niya. Tumango naman si Reo at RU sa kaniya habang ang tatlo ay nasa likuran upang magbigay ng support. Si Mal ay isa ring marksman katulad ng role na gamit ni RU habang si Ahruem naman ay Mage at support kagaya ni Kenneth. Tumahik ang lahat nang matapos ang malakas na hiyaw galing sa dulo ng kweba, tinig ito ng isang nagwawalang babae at tingin nila ay ito ang ina ng mga tiyanak na nasa loob ng kweba. Alam ni Reo kung ano ang lalabas sa loob ng kweba na ito, alam niya rin kung saan ang kahinaan ng kalaban ngunit hindi niya maaaring ipakita ang mga bagay na iyon sa iba nilang kasama kaya naman nahihirapan siya sa kung ano ang ikikilos niya. Kakalabanin niya ba ito at direktang aasintahin sa weakest point ninto o mag mamaang-maangan siya sa harapan ng mga kasama upang hindi malaman ang totoo niyang pagkatao na maaaring magdulot sa mga kasama niya ng kapahamakan? Hindi siya makapag-isip agad dahil bigla nang lumabas ang isang halimaw na may katawan ng isang babaeng buntis, may mahaba itong buhok na kulay itim na tila ba isang umaagos na dugo sa kaniyang mukha ang bawat hibla ng buhok ninto, ang mga mata naman nito ay purong pula at may mga ngipin na halos hindi na kayang isara ang kaniyang bibig. "Kung makakagat ang braso ko ng bibig na 'yun ay paniguradong putol," bulong ni Kyo at napalunok naman ang iba. Alam ni Reo na ang weakest point ninto ay ang kaniyang tiyan, doon nang gagaling ang sang katerbang tiyanak na hindi maubos-ubos sa loob ng kweba na ito. "Humanda na kayo, mukhang susugod na siya," sagot ni RU nang makita nilang tinaas ninto ang kaniyang kamay at hinawak sa kaniyang tiyan. Napalunok si Mal nang makita ninto kung pano bulatlatin ng halimaw ang kaniyang tiyan saka nagsilabasan ang sandamukal na mga tiyanak. "Aaaah!" Hiyaw ni Ahruem sa takot at nakakabinging iyak din naman ang pinakawalan ng mga tiyanak sa loob ng kweba. Mahigpit na hinawakan ni Kyo ang kaniyang pananggalang at kabadong tinuon ang kaniyang atensyon sa palusob na mga tiyank sa kaniyang harapan. "Mal! Ahruem back up!" Sigaw ni RU at pumuwesto malayo sa kanila upang mabilis na maasinta ng hawak niyang baril ang mga tiyanak. Ganoon din ang ginawa ni Mal gamit ang pana bilang weapon niya habang si Ahruem naman ay dala ang grimoire niya saka naglabas ng spell upang makatawag ng malaking apoy na susunog sa mga kalaban. Namangha ang tatlong lalaki sa mga kasama nila dahil tila ba matagal na itong naglalaro na magkakasama dahil sa rotation at formation nilang tatlo. Samantalang si Reo naman ay ramdam ang excitement sa kaniyang dibdib, pakiramdam niya kasi ay nasa loob siya ng isang fantasy movie at harap-harapan na nakikita ang mga kakaibang mahika sa loob ninto. "Hoy labo! Mamaya ka na mangarap d'yan! Dalian mo nakakahiya sa mga kasama natin!" Sigaw ni Kyo habang pinipigilan ang malalakas na pag-atake ng level one boss gamit ang kaniyang mahabang buhok. "Ah, sorry!" Sagot niya nang mabalik sa wisyo at nakita niya ang paghihirap ng mga kakampi sa hindi maubos-ubos na mga kalaban sa kanilang harapan. 'Yung bilang ng mga tiyanak kanina ay dumoble pa sa bilang ngayon, sobrang dami kaya hirap na hirap sila RU at Mal na umasinta gamit ang long range weapon nila. Ang tanging nakakapalag lang sa mga tiyanak na ito ay ang fire grimoire ni Ahruem at ang malaking shield na hawak ni Kyo. Tumingin si Reo sa buong paligid habang nakikipaglaban at naghahanap ng opening, iniisip niya kung anong weapon ang maaari niyang gamitin para maasinta agad ang tiyan ng level one boss. Alam niyang hindi eepekto ang cross bow niya dahil mahinang klase ito at hindi pa siya nakakabili ng maganda at malakas na sandata. Ang maayos-ayos niya lang na gamit sa kaniyang inventory ay ang dagger ngunit para magamit ito ay kailangan niyang makalapit sa level one boss. "Kyo! Wag mong hahayaan na may makapasok sa formation!" Sabi niya sa kaibigan at na bigla si Kyo nang lumabas ito sa safe ground. "Hoy labo! Saan ka pupunta!" Hiyaw niya sa kaibigan pero hindi na makatiis si Reo na gumawa ng paraan dahil kung magtagal pa ito ay paniguradong mapapagod sila at mauubos ang heal power ng support nilang si Kenneth. Pag nangyari iyon ay wala na rin gagamot sa bawat isa sa kanila na dahilan para matalo sila sa walang hanggang paglabas ng mga kalaban nila. Kaya ang una niyang kailan puntiryahin ay kung saan nang gagaling ang mga tiyanak na ito at mapigilan na ang paglabas ng mga ito. Tumingin si Reo sa tiyan ng kalaban, doon lamang ang focus niya at bawat imp na humarang sa kaniyang dinadaanan ay namamatay sa mabilis na pagwasiwas niya ng sandatang hawak niya. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD