AYLA ANAIH SARMENTO POV:)
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nasisilaw ako sa ilaw na nasa aking harapan. Kahit malabo pa ang aking nakikita ay iginala ko ang aking paningin sa paligid. Unti-unti na rin nagiging malinaw ang aking nakikita at doon ko napagtanto na nasa isang kwarto ako.
Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakahiga sa kama, nakasuot ng pang-pasyenteng damit at may nakakabit pa sa pulsuhan ko ng mga aparatus ng hospital. Iginala ko ang paningin sa paligid at nakita ko na lamang ang lalaking nakaupo sa couch na di kalayuan sa akin. Naka-de kwatro siya ng upo habang naka-cross arms at nakatingin sa akin ng seryoso.
"Gising kana." turan nito. Ramdam ko ang pagiging malamig nito. Sa tingin at eskpresyon palang nito, tila ayaw nito sa akin.
Tumayo ito sa pagkakaupo at lumapit sa kinahihigaan ko habang naka-cross arms pa rin siya.
Masasabi kong guwapo siya. Perpekto ang pagkakatangos ng kanyang ilong, tindig palang nito ay nakakaakit na, boses nito na medyo malagong pero parang tinutusok ang puso mo pag naririnig mo ang boses niya at mga tingin nitong kahit seryoso ay nakakapagpa-kaba sa puso ko. Kahit sinong babae, makita lang ito siguradong mababaliw na ang puso.
"S-si-sino k-a..."
Di ko napatuloy pa ang sasabihin ko nang sabay na napalingon kami sa pintuan ng bumukas iyon. Isang matandang babae na tiyansa kong nag-eedad ng 50 ang pumasok sa loob. Nanlaki mata naman ito nang makitang gising na ako.
"M-miss---" naputol kaagad ang sasabihin nito nang magsalita yung gwapong lalaking nasa harapan ko.
"Ano sabi mo kanina? Sino...ako?" Baling nito sa akin.
Takang nakatingin lamang ako sa dalawa. Inaalala ko kung kilala ko ba sila o alam ko ba ang pangalan nila.
Sino sila? Sino ako? Ano ang pangalan ko? Ano nangyari sa akin? May amnesia ba ako?
"S-sino kayo?" Nautal na tanong ko sa kanilang dalawa.
****
Pagkatapos ilawan ng doctor ang aking mata, mabilis na niya iyon pinatay at humiwalay sa pagkakahawak sa mata ko. Mabilis ko naman pinikit-pikit ang mata ko at ginusot-gusot iyon gamit ang kamay ko dahil sa nasilaw ako.
Pagkatapos ay humarap ang doctor sa guwapong lalaking di ko pa alam ang pangalan.
"Okay naman siya. Dahil sa traumang nangyari sa kanya, nagkaroon siya ng temporary amnesia. Pero wag kayong mag-alala, babalik din ang alaala niya." Mahinahong sabi ng lalaking doctor dito.
Napansin ko naman si guwapo na dumilim ang mukha sa sinabi ng doctor. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko may bagay siyang gustong mangyari na hindi nangyari. Dahil nakita ko sa eskpresyon ng kanyang mukha, masasabi kong suplado siya at masungit.
"Kailan po pwede siya lumabas?" Sulpot nalang ng matandang babae.
Bumaling naman ang doctor dito."Kahit bukas, pwede na siyang lumabas." Nakangiting sagot nito."Excuse me."
Lumabas na nga ang doctor sa kwarto at naiwan kaming nakatingin sa pinaglabasan nito. Pagkatapos ay bumaling ang matandang babae sa guwapong lalaki.
"Sir, ako na po muna magbabantay sa kanya." mahinahong pagkakasabi na prisinta nito.
Sir? Ibig sabihin boss niya ito?
Hindi umimik ito bagkus tumingin ito sa akin. Habang tumatagal ang tingin niya sa akin, parang nakakapaso ang mga iyon. Dahil doon napaiwas ako ng tingin at napatikhim na lamang.
"Magpapakilala ako sayo. Tutal, wala kang naalala ni isa," sabi nito nang humarap ito sa akin.
"A-ah?" Naituran ko lamang. Kakaiba ang awra niya, ramdam ko ang pagiging bossy niya.
"Ako pala si Damon Reid Kingston." Pagpapakilala nito sa sarili."Siya naman si Nanay Soledad, ang ina mo." Pagpapakilala naman nito sa matandang babae na nanay ko pala.
Bahagyang nagulat naman ito sa sinabi ng boss nito. Nang tumingin ako sa kanya, ngumiti kaagad ito.
Napatingin ulit ako kay Damon nang magsalita ulit ito."At ikaw naman, si Ayla Anaih Sarmento, isang katulong na naninilbihan sa akin."
Anaih? Ayla Anaih? Iyon ang pangalan ko? Katulong? Ibig sabihin...boss ko siya?
Nanlaki naman ang mga mata ko sa nalaman.
May sumilay na lamang na nakakatakot na ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa akin.
"Kaya responsibilidad ko ang nangyari sa'yo." Dagdag pa nito.
****
Nandito ako ngayon sa kusina, naghuhugas ng mga pinggan habang si Aling Soledad---isteh Nanay Sol ay nagluluto ng pagkain para dinner mamaya ng walang puso kong boss.
Dapat bukas pa ang alis ko sa hospital pero dahil sa napaka-heartless plus masungit si Sir, pina-discharge na nya ako sa hospital. Hindi pa 'ko masyadong okay pero nandito na kami ngayon. Nakauwi na at nagsisimula na akong magtrabaho.
Di pa ko nagto-two minutes sa paghuhugas ng pinggan, napapagod na ko.
**Flashbacks**
"Sir, umuwi na po muna kayo. Ako na bahala kay Anaih magbantay ngayon dito." Sabi ni Nanay Sol dito.
"No." Makahulugang tanggi nito.
Takang napatingin naman ako dito.
"Dahil gising na siya, kailangan na niyang bumalik sa pagtatrabaho." Supladong wika nito.
"Ah?" Naituran ko lamang. Wala ba siyang awa sa akin? Kakagising ko lang galing coma saka kakagaling ko lang sa isang aksidente, nagka-amnesia pa nga ako. Wala ba siyang awa sa akin.
"P-pero..."
"No, buts." Matalim ang tingin na baling niya kaagad sa'kin.
Heartless jerk! Tsk!
**End of flashbacks**
See? Napaka-jerk ng amo ko. Walang puso!
Feeling ko nga hindi ako sanay magtrabaho ng ganito. Siguro nga sa tagal na naka-confine ako sa hospital, di na sanay ang katawan ko sa pagbabalat ng buto.
Di ko inaasahan na 3 weeks akong coma. Akala nila forever na raw akong tengga sa higaan. Sabi pa nga ni Nanay Sol pag umabot daw akong three months na hindi pa raw ako nagigising , babayaan na raw nila ako hanggang sa mamatay. Nahihiya na rin daw siya kay Sir Damon'yo---yes! Napaka-demonyo ng ugali niya. Di ko alam bakit parang ayaw na ayaw niya sa akin. Ramdam ko iyon sa kanya na parang nainis siya sa akin kahit wala pa siyang ginagawang pagpapahirap sa akin.
Siguro nga, di na maganda ang pakikitungo namin ni Sir Damon noon na hindi pa ko nawawalan ng alaala. Siguro, pasaway ako dati o maldita, kaya ayaw niya sakin. Tinanggap pa rin niya akong katulong dahil nanay ko ang isa sa pinagkakatiwalaan niya dito sa bahay niya.
Oo nga pala, ano aksidenteng nangyari sakin at bakit nagka-amnesia ako?
Napapansin ko rin na medyo di ako gusto ng ibang katulong dito. Feeling ko ako ang pinag-uusapan nila ng palihim. Pag nakita nila ako, tumatahimik na sila. Pag nakatalikod na ako, may sinasabi na sila tungkol sa akin.
Napapaisip tuloy ako. Masama ba ang Anaih noon? Kaaway ko ba ang mga tao dito?
Ni isa, parang wala akong ka-close na katulong dito. Ang bad ko ata dati...so bad.
"A-anak." Nautal na tawag sa akin ni Nanay Sol.
"Po?" Baling ko naman dito. Kanina pa kong di natatapos lagyan ng dishwashing liquid ang mga pinggan. Nangangalay na ang kamay ko at sumasakit ang sugat ko sa likod ng ulo ko.
"Pasensya kana kay Damon ah? Mabait naman ang batang iyon pero medyo may pagkaka-mainitin lang ang ulo. Di naman iyon nananakit. Masanay kana kung masungitan at pagalitan ka niya, ha." Pagpapaliwanag nito sa akin.
"Opo," sabay tawa ng pilit."Wag kayong mag-alala, 'nay. Kaya ko i-adjust ang sarili ko." Sagot ko sabay ngiti ng natural.
"Kung pagod kana, ako na tatapos niyan. Magpahinga kana sa kwarto mo at ako na bahala dito."
"Pero---" di ko nalang napatuloy ang sasabihin ko nang may pumasok na lamang sa kusina.
"Aling Soledad! Aling Soledad!"
May pumasok na lamang sa kusina ng isang katulong. Bata pa siya at maganda siya. Siguro nag-eedad siyang bente anyos
Oo nga pala, ilang edad ko na pala?
"Bakit, Sally?" Tanong kaagad ni Nanay Sol dito.
"Si Tokyo, nakawala!"
"Ano?!"
Sino si Tokyo?
THIRD PERSON POV:)
"What? How did you do---no! I mean, yes." Sabi ni Damon Reid Kingston sa kausap niya sa kabilang linya habang naglalakad papuntang pool."It's up to you," sabay upo sa beach lounge chair at humiga.
Napatingin na lamang siya sa kabilang direksyon ng makarinig ng malakas na sigaw.
"Hey! Bumalik ka dito!"
Nakita na lamang niya si Anaih na hinahabol ang kanyang asong husky. May tangay na telang kulay pula ang aso na nahulaan naman niya kaagad na isang bra iyon. Iyon ang dahilan kaya hinahabol nito si Tokyo.
"Bumalik ka ditong manyak na aso ka!" Tumatakbong sigaw ni Anaih.
Tumalon na lamang si Tokyo sa kinahihigaan niya. Di niya inaasahan na tumalon rin si Anaih kung saan siya nakahiga at napaubo na lamang siya nang apakan nito ang kanyang tiyan para bumwelo ng talon papunta ng kabilang side.
Pagkatalon nito, hinabol pa rin nito si Tokyo na dala pa rin ang bra.
"Gagong aso ka! Bumalik ka dito!"
Namilipit lamang sa sakit si Damon habang sapo ang kanyang tiyan. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang kanyang ulo sa sobrang sakit na ginawa ng babaeng iyon sa kanya. Dahil sa nangyari sa kanya, nabitawan niya ang kanyang cellphone at nahulog sa damuhan.
"Hey! Damon? Can you hear me? Hey, bro!" Sabi ng lalaking kausap ni Damon sa cellphone.
Sapo pa rin ang tiyan na tiningnan niya si Anaih na nakikipaghabulan pa rin sa aso niya.
"Humanda ka saking babae ka. Argh!" Galit na galit na turan niya habang nakatingin dito.
AYLA ANAIH SARMENTO POV:)
Kainis naman! Paano nakapasok yung gag*ng asong iyon sa kwarto ko? Kumuha pa talaga ng bra sa higaan ko. Grrgh! Pag mahuli ko lang ang asong manyak na 'to, ipapalapa ko 'to sa mga crocodile.
Naiinis na nga ako sa Damon'yo na iyon, dumagdag pa 'tong Tokyo'tot na 'to. Grghh!
"Wag mo kong inisin na aso ka!" Sigaw ko pa rin at palibot-libot kami sa gilid ng pool. Akala mo naman kasi nakikipaglaro ako sa kanya."Akin na yan---" di ko napatuloy ang sasabihin ko nang nagulat ako ng may humawak sa wrist ko para pigilan ako.
Gulat na napatingin naman ako sa taong pumigil sa akin. Nagulat na lamang ako nang makita ang madilim na mukha ng boss ko. Salubong na salubong ang kilay habang nakatingin sakin ng nakakatakot.
Hinila pa ako palapit nito at bahagyang itinaas ang kamay ko. Medyo nasaktan ako sa pagkakahawak niya sa pulsuhan ko. Ramdam ko ang galit niya sa akin dahil sa higpit palang ng pagkakahawak sa akin.
"S-sir," nautal na sambit ko. Nakaramdam naman ako ng takot sa nakitang ekspresyon sa mukha niya. Ngayon ko lang siyang nakitang nag-aapoy sa galit.
May nagawa ba akong mali?
Di inaasahan, tumakbo sa gitna namin si Tokyo na dahilan napahiwalay kami sa isa't-isa ni Sir Damon at binitawan niya ako. Halos masagi pa ko ng buntot ni Tokyo na dahilan napa-atras ako patalikod.
Nagulat na lamang ako nang sunod na atras ng paa ko ay kalahati na lamang ang naapakan ko dahil sa pinakagilid na ako ng pool.
"Oh!" Slow motion na mahuhulong na sana ako nang mabilis na naabot ni Sir ang kamay ko.
Slow motion na nakatinginan kami sa isa't-isa ang iligtas ako nito. Nakaramdam naman ako ng kakaiba sa dibdib ko, di ko alam kung bakit tumitibok ito. Doon ko rin nakita na gumwapo lalo sa paningin ko si Sir Damon halos ang mata nitong kanina ay tigre, naging maamo.
nakatingin lamang kami sa isa't-isa at pareho kaming nagulat sa nangyari.
Akala ko hindi ako mahuhulog sa pool pero nagkamali ako ng akala.
Tumakbo ulit si Tokyo papunta sa kinaroroonan namin at marahas na binangga nito si Sir. Kaya ang nangyari...
Natumba si Sir papunta sa akin kaya napayakap ito sa akin. Gulat at nanlalaki ang mga mata nang mahuhulog kami nito.
Slow motion na nahulog kami ni Sir sa pool.
Kasalan ito ni Tokyo.