bc

Mr. Kingston's Maid (TAGALOG)

book_age18+
4.4K
FOLLOW
26.6K
READ
possessive
badboy
maid
mafia
billionairess
gangster
comedy
first love
secrets
self discover
like
intro-logo
Blurb

Anaih wakes up with no memories of her past. She can't even remember how she got into an accident that caused her to lose her memories.

An unfamiliar man introduces himself as her boss and tells her that he'll be responsible for her.

Left with no choice, she accepts her new life and works as Damon's maid. However, old habits die hard. Even if she lost her memories, Anaih doesn't change at all. She always brings trouble and that makes Damon lose his patience.

chap-preview
Free preview
Prologue:
AYLA ANAIH SARMENTO POV:) "Sir!" Hawak lamang niya ang kamay ko habang tumatakbo kami pareho. Nang may nakasalubong kaming pulis ay agad naman niya itong naunahan magpaputok ng baril. Tumakbo ulit kami nang mapatumba niya ito. Napahinto kami sa pagtakbo nang mapagtantong wala nang ibang pinto na lalabasan kami. "Dito tayo." Mabilis naman dumaan kami sa hagdan pataas. "Ah!" sigaw ko nang may bumaril sa amin. Mabuti nakaiwas kami at patuloy lamang sa pagtatakbo. Mabilis naman binaril ni Sir ang lalaking nakasunod sa amin. Matagumpay naman niya itong natamaan at gumulong sa hagdan pababa. "Ayun sila!" Narinig niyang sigaw ng lalaki. Nakita nilang pataas na rin ito para sundan sila. "Takbo!" sabi ni sir at tumakbo ulit kami pataas hanggang makarating kami sa 5th floor. Huminto kami sa isang poste at doon nagtago. Takot na takot na tinakpan ko ng aking mga kamay ang aking tainga dahil sa nakaka-binging putok ng mga baril. Mukhang gusto kami patayin ng mga ito. Nandito lang naman kami sa isang Construction site, ginagawang bulding na hindi pa tapos. Sinundan ko kasi si Sir kanina, akala ko kasi magpapakamatay siya dahil nag-break sila ni Ma'am Avanna dahil sakin. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko ako ang may kasalanan at ako ang dahilan. Iyon lang naman yung gf ni Sir na sobrang hilig sa mga alahas at lakas maka-api sa aming mga mababa ang istado sa buhay. Hindi ko alam, iba palang suicide ang gagawin ni Sir. Akala ko tatalon siya mula 5th floor pero hindi pala. Gusto niya magpakamatay sa isang tema na parang nasa war siya. Dapat pala di ko na siya sinundan pa. Nadamay pa tuloy ako sa pakulo niya. Hays! "Sir! Mamamatay na tayo!" Naiiyak na sabi."Sir, ayaw ko pa mamatay! Di ko pa nakikita ang abs mo! Sabi nila may 8 abs ka raw saka bakat na bakat raw yung nasa ibaba mo. Gusto ko muna makita bago ako matigok." dagdag ko. Baliw talaga ako 'no? Totoo naman na hindi ko pa talaga nakikita. Nakita na ng mga kasamahan ko sa trabaho, ako nalang ata na katulong doon na di pa nakikita ang ka-hot-an ni Sir. Ayaw kong mamatay na virgin ang mga mata ko. "Are you crazy?! Mamamatay na nga tayo, naiisip mo pa ang mga ganyan?" Napataas kilay na turan nito."Sunod-sunod ka pa kasi." Patuloy pa rin kami pinagbabaril ng mga pulis. Hindi ko alam kung bakit, siguro si Sir ang pakay nila. Bakit dinadamay nila ako? Isang hamak na katulong lang ako. Katulong na may amnesia at nadamay lang. Nang mapansin ni Sir na huminto ang pagbabaril ng mga kalaban, dahan-dahan siyang sumilip. Nakita naman siya ng kalaban at mabilis na napatago ulit si Sir. Nagsimula na naman ulit ang pagbabaril-barilin samin ng mga ito. Gumanti rin siya, bumaril siya at may natamaan naman siyang dalawa. Nang wala nang bala ang kanyang baril, mabilis niya ito nilagyan ng bala. Kumuha ito ng bala sa kanyang coat at ni-reload ang kanyang baril. "Sir, sumuko kana sa mga pulis. Dadalawin nalang kita sa prisinto. Wag kang mag-alala, aakitin ko ang mga pulis sa prisinto para di ka nila pahirapan doon---aray!" Nakatanggap naman ako ng batok mula kay Sir. Ang sakit nun ah? Ang harsh talaga niya sakin. Pasalamat talaga siya, pogi siya. Kung hindi, baka kanina ko pa siya tinulak diyan at pinagpiyestahan na siyang pinagbabaril ng mga pulis. Tsk! "Hindi sila pulis. Kalaban ko yan," pagtatama nito. "Kalaban? Bakit naka-unipormeng pulis? Lagot ka, Sir! Ano ba kasi pinasok mong gulo. Tignan mo tuloy, hina-hunting ka nila. Pati ako, nadamay. Hays!" Napakamot na lamang ako sa ulo. Napatingin na lamang si Sir sa aking likuran nang makitang may armadong lalaking sumulpot sa isang poste at tangkang babarilin ako sana nang... "Anaih!" Sigaw nito. Mabilis naman ako nitong niyakap at napahiga kaming dalawa sa sahig. Nakaligtas naman kami sa putok ng armadong lalaki at tumama iyon sa pader. Mabilis naman ito binaril ni Sir kahit nakahiga kami. Matagumpay naman niyang natamaan ito. "Are you alright?" tanong nito sakin habang nakapatong ako sa kanya. Syempre sa sobrang takot ko, nakayakap pa ko sa kanya ng mahigpit."Miss Anaih?" Tawag nito nang nanatiling nakasiksik ang mukha ko sa kanyang dibdib."Okay ka lang?" Sh*t! Ba't ang bango ni Sir! Wait, Sir! Sulitin ko muna itong pagkakataon. Di pa ko nagsasawa sa amoy mong nakakaakit. Kinikilig na iniangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya. Ganoon pa rin ang sitwasyon namin at rinig pa rin namin ang mga putok ng baril. Umalis na nga ako sa pagkakapatong kay Sir. Medyo nakakahiya kung mananatili pa ko sa ganoong posisyon. Sabihin niyan sobra-sobra ang pagnanasa ko sa abs niya. E totoo naman talaga. Dapat medyo mahiya tayo, lahi tayo ng mga Maria Clara. "Sir," namumula ang pisnging sambit ko habang nakaupo kami at nagtatago pa rin sa poste. Takang nakatingin lamang siya sa akin na tila hinihintay ang sasabihin ko. "Sir, pag nakaligtas tayo, pakita ako ng abs mo ah?" Request ko sabay ngiti ng sobrang laki. Kulang nalang ilabas ko na lahat ng ngipin ko. Pero seryoso ako sa sinabi ko, 100% na truth. Hindi umimik si Sir bagkus nakatingin lamang siya sa akin ng mataman. Maya-maya pa tumawa na lamang ito. Di nagtagal, bumago na lamang ang eskpresyon sa kanyang mukha. Naging seryoso siya na kanina ay nakangiti siya. Ako naman ay natahimik. Ano kaya isasagot niya? Papayag kaya siya? O may mali akong sinabi? "Wag mong hintaying mapuno ako, Miss Ayla Anaih Sarmento. Baka may magawa ako na di mo magustuhan," tila nagbabanta na sabi niya."I'm warning you." Natahimik naman ako sa sinabi nito. Napalunok pa ko ng laway dahil kita ko sa kanya na seryoso talaga siya sa sinabi niya lalo na ang mga tingin niya. Hindi ko alam kung ano ibig sabihin ni Sir pero pagkakaintindi ko parang nainis si Sir sa kakulitan at kadaldalan ko. Totoo ata ang chismis na pumapatay si Sir ng taong ayaw na ayaw niya at nakukulitan siya. Masama ba talaga ang isang Damon Reid Kingston a.k.a Boss kong Gangster?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook