AYLA ANAIH SARMENTO POV:) Nagsimula na akong maglakad para puntahan nga ito. Hindi pa ko nakaka-dalawang hakbang na may di pamilyar na lamang na kamay ang humawak sa kamay ko para pigilan akong umalis. Pagtingin ko sa aking likuran, nagulat na lamang ako nang makilala ang taong pumigil sa akin. "Dito ka lang..." Tumibok na lamang ang puso ko nang mga oras iyon. Hindi ko alam bakit sa tuwing kaharap ko sir, nababaliw ako. Sobrang nababaliw itong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung normal pa ba ang heartbeat ng puso ko sa sobrang bilis ng kalabog nito. Pati pag-iisip ko, naapektuhan na din. Wala na ko naiisip na tama. Matagal kaming nagtitigan halos nanatili kami sa posisyong ito. Hinihintay ko na magsalita siya siya at humihiling ko huminto ang oras. Gustong-gusto ko sulitin na hawak

