AYLA ANAIH SARMENTO POV:) "M-ma-mali 'yong narinig mo, Sir. Huwag mo pansinin i-iyon. Hehehe." Natataranta kong paliwanag kaagad. Mas lalong dumagdag ang kaba ko nang tumatahol si Tokyo. Siguro, pinapahatid niya kay sir na nagsisinungaling ako."Kalimutan mo na 'yon, sir. Nagjo-joke lang ako. Wala 'yon---ay!" Nagulat na lamang ako nang tumakbo na lamang si Tokyo nang makakita ng ligaw na pusa. Dahil hawak ko ang tali nito, di sinasadyang napakapit at napayakap ako kay Sir. Dahil sa malakas na pwersang pagtakbo ni Tokyo halos nabitawan ko ang tali nito. Dahil sa nangyari, napasubsob ako kay sir pero kasamaang palad, dumampi ang mapula kong labi sa mapulang pisngi niya. Nanlaki mata naman ako sa nangyari halos maduling pa ako. Tarantang lumayo kaagad ako dito habang sapo ang labi kong duma

