bc

MY SUBSTITUTE HUSBAND'S SECRETS (SPG/R-18+)

book_age18+
177
FOLLOW
1.6K
READ
billionaire
family
age gap
arrogant
heir/heiress
bxg
lighthearted
lies
substitute
like
intro-logo
Blurb

Ibang groom ang dumating sa araw ng kasal ni Ariana Belle Dela Vega. Hindi ito ang kanyang fiancee at nagpakilala itong tiyuhin ng kanyang fiancee. Natuloy ang kasal dahil sa sinabi nitong "Don't worry, magpapanggap lang tayong mag-asawa."Ngunit paano kung isang malaking lihim pala ang kanyang tinatago. Anong lihim kaya ito? Her substitute husband's secrets.

chap-preview
Free preview
C1
ARIANA BELLE “Daddy, nasaan na po siya? Darating po ba siya?” tanong ko sa daddy ko. Kanina pa kami dito sa simbahan at araw ng kasal ko ngayon. Pero nasaan ba ang groom ko? Nasaan na siya? Bakit wala pa rin siya hanggang ngayon? Hindi ko alam kung pupunta pa ba siya o hindi na. Pero isa lang ang alam ko kinakabahan na ako ngayon. Kinakabahan na baka hindi niya ako siputin sa araw na ito. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi ko naman makontak ang number niya. Ayaw ko naman na mapahiya ang parents ko. Nandito ang pamilya ko at present silang lahat. Naglaan sila ng oras para sa akin, para sa kasal ko. “Papunta na siguro siya,” sagot sa akin ni daddy na kalmado lang. Na para bang hindi man lang siya nag-aalala ngayon. “Relax, sweetie. Matutuloy ang kasal mo,” sabi sa akin ni mommy Carmela. Alam ko na gusto lang niya akong pakalmahin para hindi ako mag-alala. “Pero wala pa rin po siya,” sabi ko sa kanya. “Darating siya ana–” Hindi na natapos ni mommy ang sasabihin niya dahil may dumating na sasakyan. At sa tingin ko ay ito na ang fiancee ko. Kaagad akong napangiti dahil matutuloy na talaga ang kasal naming dalawa. “Sabi ko sa ‘yo, darating siya.” nakangiti na sabi sa akin ni mommy. “Opo, mommy,” nakangiti rin na sabi ko. Pero ng bumaba na ang nasa loob ng sasakyan ay kumunot ang noo ko at nawala ang maganda kong ngiti kanina. Dahil hindi siya ang fiancee ko. Hindi siya si Dave. Naglakad ito palapit sa akin sasakyan kung saan ako naroon. Nandito pa kasi kami ngayon sa labas ng simbahan. “Who are you?” tanong ko sa kanya. “Your fiancee is not coming,” sagot niya sa akin. “What? Bakit?” tanong ko sa kanya. “Mag-uusap muna kaming dalawa, anak.” sabi sa akin ni daddy. “Bakit po? Ano po ba ang nangyayari?” nagtataka na tanong ko kay daddy pero hindi na siya sumagot at umalis na lang siya kasama ang lalaki. Natataranta na talaga ako dahil natatakot na ako. Nasa hindi kalayuan lang naman sila at parang ang seryoso ng pinag-uusapan nilang dalawa. “Mommy, ano po ba ang nangyayari? Matutuloy pa rin po ba ang kasal?” tanong ko sa kanya. “Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari, anak. Wala rin akong idea pero hintayin natin na matapos ang daddy mo at ang lalaking ‘yon na mag-usap,” sabi sa akin ni mommy. “Pero–” “Anak, hindi na darating ang groom,” sabi sa akin ni daddy. “Po? Bakit po?” tanong ko sa kanya habang pinipigilan ko ang mga luha ko. “Naaksidente siya kahapon,” sagot niya sa akin. “Hindi na po ba matutuloy ang kasal ko? Paano na ako, daddy?” tanong ko sa kanya. “Matutuloy ang kasal mo,” sagot niya sa akin. “Paano po? Wala naman ang groom ko, wala ang fiancee ko,” nagsimula ng pumatak ang mga luha ko. “I can be your groom,” biglang nagsalita ang lalaki. “Who are you?” “I’m Damian Dominic Valdez, I’m your fiance's uncle.” pakilala niya sa akin. “Uncle? Uncle ka niya? So, ibig sabihin ay matanda ka na?” tanong ko sa kanya. “I’m thirty three years old,” sagot niya sa akin. “Hindi ako magpapakasal sa ‘yo,” bigla kong sabi. “Okay, pumunta lang naman ako dito para sana iligtas ang pamilya niyo sa kahihiyan. Pero ayaw mo naman kaya hindi kita pipilitin,” sabi niya sa akin at tama naman siya. “Anong mangyayari kapag nagpakasal ako sa ‘yo?” tanong ko sa kanya. “Wala, magpapanggap lang tayong mag-asawa sa mga nakakaalam na sa akin ka nagpakasal. Kapag gumaling na ang fiancee mo ay puwede na tayong maghiwalay na dalawa. Don’t worry dahil sa papel lang naman tayo kasal na dalawa, magpapanggap lang tayo bilang mag-asawa,” sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Mabilis naman akong umiwas sa kanya. Tumingin ako sa parents ko na ngayon ay nakatingin sa akin. Alam ko na hindi naman magtataka ang ibang nandito kapag nagpakasal ako sa lalaking ito dahil hindi pa naman nila nakikita ang boyfriend ko. LDR kaming dalawa, long distance relationship kaya naman talagang hindi nila ito kilala. “Can you leave us, mag-uusap muna kami ng parents ko.” sabi ko sa lalaki. “Okay,” sabi niya sa akin at mabilis na umalis. “Ano po ang gagawin ko daddy? Paano na po ito?” “Ano sa tingin mo ang gusto mong gawin? Ano man ang desisyon mo ay susuportahan ka namin, anak.” “But we cannot trust him. Hindi natin siya kilala, I mean kahit pa sinabi niya na uncle siya ni Dave ay hindi ko pa rin siya kilala,” sabi ko sa parents ko. “I know him, isa siya sa mga na kasama ko sa isang business conference. Sa tingin ko naman ay mabuting tao siya. Siguro ay ginagawa lang niya ito lalo na comatose ang fiancee mo,” sabi sa akin ni daddy. “Sa tingin mo po ba ay mapagkakatiwalaan natin siya? Na tutuparin niya ang sinabi niya na maging mag-asawa lang kami at magpapanggap lang? Gagawin po kaya niya?” “Kung ako ang tatanungin mo ay sa tingin ko naman ay gagawin niya. Maayos naman siya habang nag-uusap kaming dalawa kanina,” sabi sa akin ni daddy. Ako naman itong napahawak sa ulo ko dahil bigla na lang sumakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Kung dapat ba akong magpakasal sa lalaking ngayon ko lang nakita. Hindi ko alam kung makikinig ba ako sa mga sinabi ni daddy na mabuting tao naman ito. Pero kasi, hindi ko naman siya kilala. Naguguluhan na ako at tumatakbo ang oras. Alam ko na naiinip na ang mga tao sa loob. Pero kasi, hindi ko alam, hindi ko talaga alam ang gagawin ko. “Magpapakasal ba ako sa kanya o hindi?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa lalaki na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook