Chapter 13

1223 Words

Bumaba na ako sa lamesa nang makitang wala na silang balak na abutin ako. Lumapit sa akin sina ate Vivi habang nag-aalala sila. "Sabing 'wag kang makialam Jana. Aatakehin ako ng wala sa oras dahil sayo." Tumawa lang ako ng mahina sa kanya. "Ano? Balak niyo parin bang manggulo? Umalis na kayo!" baling niya sa mga lalake na ngayon ay patuloy na dumadaing dahil sa nangyari sa mga kamay nila. "Tumahimik kayo! Hindi pa kami tapos!" pagmamatigas ng lider nila habang hawak ang kanang kamay niyang namumula. Kulang na lang ay umiyak siya dahil sa pagkaka-lukot ng mukha niya. "Ano na naman ba kasi ang kailangan niyo sa amin? Bayad na sina Mang Deles sa inyo diba? Bakit bumabalik parin kayo?" "Buwis! Kailangan niyong magbayad ng buwis kung ayaw niyong ipatigil namin ang karinderyang ito!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD