"Mag-iingat ka, Jana." naluluhang bilin sa akin ni Aling Lita. Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya. "Opo. Kayo rin dito. Mag-iingat kayo." Tinapik ako sa balikat ni Mang Deles na katabi ni Aling Lita. Tumango siya sa akin habang nakangiti. Kahit nakangiti siya ay pansin parin ang kalungkutan sa mga mata nito tulad ng iba. "Jana...." naiiyak ng tawag sa akin ni Tia. "Mamimiss ka namin." sabi ni Ate Vivi. Lumapit ako sa kanila at niyakap din sila. "M-mamimiss ko rin kayo." Pinigilan ko ang mga luha kong gustong tumulo. Ayaw kong umiyak. Gusto kong makita nila akong maayos sa pag-alis ko. "Bumalik ka lang dito. 'Wag mo kaming kakalimutan." sabi naman ni Kuya Haru. Ang pangatlong kasami naming nagt-trabaho dito sa karinderya. Ilang araw na siyang wala dahil umuwi siya sa kani

