[Third Person's POV] Tahimik na nakaupo si Jana sa malaking bato habang pinaglalaruan niya ang mga tuyong dahon na pinulot niya. Kanina pa siya nakaupo dito. Maaga siyang pumunta sa gubat. May nakuha siyang minsahe kagabi galing sa Oso na nakilala niya nung nakaraang linggo. Matagal na niyang hinintay ang sagot nito kaya nung makuha niya ang minsahe ay maaga siyang pumunta sa gubat kahit na may naiwan siyang trabaho. Hindi naman siya pagagalitan nina Aling Lita at Mang Deles dahil sanay na silang palaging lumalabas si Jana. Hindi rin sila nagtatanong kung saan siya pumupunta tuwing lumalabas siya na siya ring pinapasalamatan ni Jana. Hindi sila nakikialam sa buhay ng tao. Binibigyan nila ng privacy ang mga kakilala nila at ang mga nagt-trabaho sa kanila na lubos na kinakatuwa ni Jana.

