Chapter 8

1000 Words

"Nagt-trabaho ka dito?" tanong sa akin ni Karren na nakaupo sa tapat ko. Ngumiti ako sa kanya at marahan na tumango. Nasa karinderya kami ngayon. Inaya niya akong kumain kanina kapalit ng pagtulong ko sa kanya. Ilang beses ko siyang tinanggahin na hindi na niya kailangang gawin ito pero sobrang kulit niya kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag. Nagulat pa ako nang dalhin niya ako sa karinderya. Hindi ko inasahan na ang tinutukoy niyang sikat na karinderya sa lungsod na ito ay ang karinderya nina Aling Lita at Mang Deles. Mukhang marami ng nakakaalam sa karinderya nila. "Nice! May nakapag sabi sa akin na masasarap ang mga pagkain dito kaya balak ko na dati na kumain dito. Buti talaga at dito tayo kumain. Hindi ko malalaman na nagt-trabaho ka dito." Nakangiting sabi niya na kinangit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD