Chapter 7

1034 Words
"Ayos ka lang?" tanong sa akin ng batang tumulong sa akin. Hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil natatakpan ng hood niya ang ilang bahagi ng mukha niya pero alam kong magkalapit lang ang edad namin kung ibabase ko ito sa edad ko ngayon sa panahong ito. "Ayos lang ako. Salamat." sagot ko at inayos ko ang magulong damit ko. Nabigla pa ako nang tulungan niya ako. Dahil sa pagmamadali ko sa pag-ayos ng sarili ko ay hindi ko naiwasan na maibaba ang hood ng cloak ko. Parehong nanlaki ang mga mata namin. "Ikaw?!" gulat na tanong niya sabay turo sa sa akin. Napakunot naman ako ng noo. Kilala niya ako? Isa ba siya sa mga customer sa karinderya? Hindi ko naman pinapakita sa labas ang mukha ko. Palagi akong nakasuot ng cloak na may hood kaya baka ay isa siya sa mga customer namin, probably? "Ikaw nga!" Lalong nanlaki ang mga mata ko dahil bigla siyang tumalon palapit sa akin pagkatapos ay niyakap niya ako. "Ikaw ang tumulong sa akin sa mga lalaking yon!" masayang sabi niya at kumalas siya sa pagkakayakap sa akin pagkatapos ay hinawakan niya ang mga kamay ko. Tumulong? Tinulungan ko siya? Kailan? Mukhang nabasa niya ang pagtataka sa mukha ko kaya ibinaba nito ang suot din niyang hood. Una kong nakita ang malawak niyang ngiti hanggang sa pumasok sa isipan ko ang larawan ng dalagang tinulungan ko nung isang araw sa mga lalaking lasing sa kalye. "Ikaw?" ako naman ang napaturo sa kanya. Muli niya akong hinawakan sa kamay pero ngayon ay mahigpit na. Ngumiti siya ng matamis sa akin at makikita sa mga mata niya ang sobrang pagkatuwa. Bigla naman akong na ilang sa sitwasyon namin ngayon. Pilit akong ngumiti sa kanya at dahan-dahan na inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Kamusta ka na?" ilang na tanong ko sa kanya at napahawak ako sa batok ko. "Ayos na ako. Maraming salamat. Kung hindi mo ako tinulungan sa mga lasing na 'yon ay hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin." sabi niya habang hindi parin nawawala ang matamis niyang ngiti. "Walang anuman." ani ko at ngumiti pabalik sa kanya. Kahit naiilang ako sa kanya ay hindi ko mapigilan na mapangiti dahil nakokonekta niya ako. "Buti na lang ay nakita kita dito. Hindi ko alam kung saan kita hahanapin. Nakalimutan ko ding itanong ang pangalan mo kaya buong magdamag kitang inisip sa gabing yon." "Bakit gusto mo akong makita?" "Gusto ko sanang magpasalamat sayo. Hindi ako nakapagpasalamat sayo ng maayos dahil bigla kang umalis." nakangusong sabi niya. Umalis nga ako kaagad pagkatapos kong matalo ang mga lalaking yon dahil sa kapangyarihan ko na gustong magwala. "Ayos lang. Hindi mo na kailangang magpasalamat sa akin. Ang mahalaga ay natulungan kita." nakangiting sabi ko sa kanya at tinaas ang kamay ko para i-pat sana siya sa ulo pero napatigil ako nang maalala na magkasing edad lang kami kaya ang weird na ip-pat ko siya na parang mas bata siya sa akin, kahit sa totoo ay matanda naman talaga ako sa kanya. "Nah. Kailangang kong magpasalamat sayo ng maayos. Kung hindi dahil sayo ay hindi ako titigilan ng mga lasing na yon at baka ay may nangyari ng masama sa akin kung hindi ka dumating." nakangiting sabi niya na kinangiti ko din pabalik. "Maraming salama-" Napatigil siya sa sasabihin dahil sa malakas na boses na nagsalita. "'Wag ka sabing lumayo saamin Karren!" Pareho kaming napalingon sa dalawang lalake. "Nahanap ko na siya Jayson!" masayang sabi ni Karren at hinawakan niya ako sa braso. "Nahanap? Sino?" tiningnan ako ng isa sa kanila habang naglalakad sila palapit sa amin. Pamilyar ang boses niya. Parang narinig ko na ito dati. No. Sobrang pamilyar niya! Jayson? Nanlaki ang mga mata ko nang maalala si Ken. Pinagmasdan ko silang lumapit sa amin at nang makita ko ang ilang bahagi ng mukha nila ay naklaro ko sila kaagad. Sinalubong ko ang seryosong tingin sa akin ng kasama ni Jayson. Diretso siyang nakatingin sa akin habang bakas sa mukha niya na may bumabagabag sa kanya. "R-rusell.." mahinang tawag ko sa kanya. Hindi ko alam kung narinig ba nila ako dahil sobrang hina ng boses ko. Halos pabulong na ang pagkakatawag ko sa kanya. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makitang umawang ng saglit ang labi niya. Narinig niya ako? "Siya ang tumulong sa akin!" sabi ni Karren gamit ang malakas na boses kaya natuon ang tingin namin sa kanya. "Ikaw ang tumulong sa kanya?" tanong ni Ken. "Y-yeah.." sagot ko at pinaglaruan ang mga kuko ko sa daliri dahil sa kakaibang nararamdaman. Parang hinihigop ang hininga ko ngayong nandito sila sa harapan ko. Hindi ko inasahan na makikita ko sila kaagad. Napaatras ako dahil bigla siyang lumapit sa akin. "Anong ginagawa mo?" takang tanong sa kanya ni Karren at tinulak siya palayo sa akin. Napahawak si Ken sa kanyang baba habang nakatingin parin siya sa akin. "Weird. Bakit parang pamilyar ka." takang tanong niya na kinalunok ko ng laway. Nakita na ba niya ako dito dati kaya nasabi niyang pamilyar ako sa kanya o dahil sa magkakilala naman talaga kami sa unang buhay ko? Pero malabo namang mangyari 'yon. Wala siyang maala sa unang buhay niya. Tanging ako lamang ang nakakaalala dahil don ako galing. Hindi pa ako sinisilang dito. Hindi pa nage-exist ang panahong ito dahil ito ang hinaharap ko, namin. "Anong pamilyar ka dyan? Ngayon lang kayo nagkita." sabi sa kanya ni Karren. "Paano mo naman nasabi na ngayon lang kami nagkita?" "Dahil kasama niyo ako palagi! Kaya alisin mo yang pagtataka sa mukha mo. Nakakakilabot ka!" "Ikaw din Tyrone! Bakit ganyan ka makatingin kay-ano nga pangalan mo?" tanong sa akin ni Karren gamit ang malambing na boses. Ang bilis naman mag-iba ng mood niya. "Jana." "Ayon! Bakit binibigyan niyo ng kakaibang tingin si Jana? Alam niyo bang nakakainsulto kayo?" "Anong kakaibang tingin? Maayos naman ang tingin namin ah? Ikaw ah, kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan mo." sabi ni Ken sa kanya at pinitik niya sa noo si Karren kaya napadaing siya. Sa kanilang pananalita ay halatang malapit sila sa isa't isa. Pinagmasdan ko ng mabuti si Karren. Sino siya? Bakit hindi ko siya nakilala sa unang buhay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD