Tamad kong pinanood ang mga hayop na naglilibot sa labas ng kulungan. Oo, sa labas ng kulungan.
Kinulong nga nila ako!
Ayaw ko ng maalala kung paano nila ako kinulong sa cage na 'to. Napakasama nila. Hindi manlang nila ako binigyan ng chansa na magpaliwanag. Kinulong nila ako kaagad. Saan na ang hustisya ko nito?
Hindi ko naman kasalanan na naiintindihan ko sila at narinig ang hindi ko dapat marinig. Pwede naman naming pag-usapan 'to ng mabuti hindi yung ikulong ako dito na parang isang prey.
Sumunod ako sa gusto nilang mangyari dahil ayaw kong husgahan nila ako lalo. Baka tuluyan nilang paniwalaan na isa nga akong mangkukulam. Higit don ay gusto ko din makuha ang tiwala nila kaya para mangyari yon ay kailangan kong pagtiisan ang trato nila. Kailangang maging maganda ang tingin nila sa akin. At kapag nangyari yon ay magagawa ko na ang gusto kong gawin sa kanila. Pwede ko na silang utos utusan tulad ng ginagawa ko sa unang buhay ko. HAHA-Stop!
Parang ang sama naman ng dating ko. Ito na ba ang epekto ng pagiging loner ko sa panahong ito?
Hindi naman ako totally na loner dahil nandyan naman sina Aling Lita at ng iba. Nakakaramdam ako nito minsan sa tuwing naaalala ko ang pinanggalingan ko. Ang unang buhay ko. Namimiss ko na ito. Miss ko na sila..
Gusto ko ng bumalik.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga dahil sa pag-iiba ng emosyon ko. Nakaramdam na naman ako ng kalungkutan.
"May kapangyarihan ka ba bata? Bakit naiintindihan mo kami? Saan mo nakuha ang ganyan na kapangyarihan?" tanong sa akin ni Helda, ang elepante kanina na nakipagtalo sa Usa.
Binigyan ko lang siya ng tingin habang nakayakap sa mga tuhod ko. Wala ako sa mood na kausapin sila pero dahil sa gusto kong makuha ang tiwala nila ay napilitan akong sagutin siya.
"Oo, meron." sagot ko lang sa kanya at ngumiti ng pilit. Be a good girl, Jana. Ganyan nga.
"Anong klasing kapangyarihan kaya naiintindihan mo kami? Matagal mo na ba itong kapangyarihan o hindi?" sunod-sunod na naman niyang mga tanong na kinakamot ko sa leeg ko.
Ang hilig niyang magtanong. Halatang hindi niya ako titigilan kapag hindi ko nasagot ang mga bumabagabag sa kanya.
"Sabihin natin na pambihira ang kakayahang meron ako kaya naiintindihan ko kayo at matagal ng nasa akin ang kapangyarihan ito. Inborn." sagot ko at napangisi ako nang makita ang paghanga sa kanyang mga mata.
"Nagsasabi ka ba ng totoo?" biglang seryoso niyang tanong.
Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. "Ano sa tingin mo?"
Bigla namang nalukot ang mukha niya sa sagot ko.
"Nagsasabi ako ng totoo." agad kong sabi bago pa siya makaramdam ng inis sa akin. Kailangan kong maging mabait sa kanila kaya dapat ay maayos ako sa pagsagot.
Hindi siya nagsalita at tiningnan lang niya ako ng diretso. Ganon din ako sa kanya. Hindi ako umiwas ng tingin sa kanya. Tumagal ang titigan namin hanggang sa naputol ito dahil sa paglapit ng Oso.
"Kakausapin ko siya Helda." seryosong sabi niya kay Helda. Tumango naman sa kanya si Helda at tahimik na lumayo. Hindi manlang nagpaalam sa akin. Siya pa naman ang unang hayop na nakausap ko ng matagal dito.
"Sabihin mo ang totoo. Isa ka bang ispya?"
Napakunot ako ng noo sa tanong niya. Ispya? Parang mas ayos na tawagin nila akong mangkukulam kaysa sa ispya. Bakit ba ang hilig nilang manghusga?
"Hindi. Kanino na naman ako magi-ispya? Hindi nga ako pamilyar sa mundong 'to. " may inis at tampong sagot ko.
Bakit ba ganito ang trato nila sa akin?
Nakakasakit na ah?!
"Anong ibig mong sabihin na hindi ka pamilyar sa mundong ito? Hindi ka ba galing dito?"
Bigla akong natigilan. Napatingin ako sa kanya ng diretso habang nanlalaki ang mga mata ko. Hindi ko inasahan na agad niyang makukuha ang sinabi ko.
"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong hindi nga ako galing dito?" seryosong tanong ko sa kanya.
Matagal ko ng gustong sabihin sa iba na hindi ako galing dito pero hindi ko ginawa dahil mahigpit na binilin sa akin ni White na hindi ko pwedeng ipaalam ang tungkol sa akin sa panahong ito. Pero, hindi ko mapigilan na sabihin ang totoo sa Osong ito. May tumutulak sa akin na pwede ko siyang pagkatiwalaan.
Tama ba itong nararamdaman ko?
"Kung gaano ay sino ka? Saan ka galing?" seryosong mga tanong niya.
Tinitigan ko muna siya ng ilang segundo bago sumagot.
"Malayo. Galing ako sa malayong lugar." Oo, malayo. Sobrang layo.
Akmang magsasalita siya pero napatigil siya dahil sa lumapit na aso.
"May mga taong dadaan dito! Anong gagawin natin?" tarantang tanong niya sa Oso.
Lalong sumeryoso ang Oso sa narinig niya.
"Kailangan nating umalis bago pa nila tayo abutan dito." sabi naman ng Unggoy na lumapit din sa kanila.
Binigyan saglit ako ng tingin ng Oso. "Umalis na tayo." sabi niya sabay buntong hininga.
"Anong gagawin natin sa kanya? Isasama ba natin siya?" tanong naman ni Helda na nakalapit na din. Ako ang tinutukoy niya.
"Hindi. Iiwan natin siya rito." sagot niya at inutasan niya ang mga hayop na umalis na sila bago pa dumating ang mga taong papunta dito.
"Ngunit hindi natin siya pwedeng iwanan dito. Paano kung ipaalam niya sa iba ang mga narinig niya?" pigil sa kanya ng aso.
"Walang maniniwala sa kanya." diretsong sagot ng Oso at hindi na niya hinintay na magsalita ang aso. Tinalikuran niya sila at humakbang paalis. Pero bago pa siya tuluyang nakalayo ay may binitawan ako na nagpatigil sa kanya.
Nilingon niya ako ng saglit bago nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod na din sa kanya sina Helda at ang natirang mga hayop. Pero syempre bago sila umalis ay binigyan nila ako ng masamang tingin.
Naiwan naman akong mag-isa sa kulungang ito.
"Sana pinalaya muna nila ako bago nila ako iniwan dito."
Hinawakan ko ang kulungan na gawa sa kahoy at sinubukan na sirain ito. Dahil sa sobrang tibay nito ay hindi ako nagtagumpay. Gagamitin ko na sana ang kapangyarihan ko pero napatigil ako dahil sa kaluskos na narinig ko sa likuran.
Napalingon ako sa likuran ko at hindi na ako nabigla na makakita ng mga tao. Kaya umalis ang mga hayop kanina ay dahil sa kanila na dadaan dito.
"May tao!" dinig kong sabi ng boses ng babae.
May kalayuan sila sa akin kaya hindi ko sila maklaro.
Tumakbo palapit sa akin ang nagsalita.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nakakulong?" takang mga tanong niya at tinulungan niya akong makalabas sa kulungan.
"A-ano. H-hindi ko alam na may mga bitag dito. Nabiktima ako haha." dahilan ko na alam kong mas lalo niyang kinataka.
Ang tanga naman ng sagot ko.
"Ganon ba? Sa susunod mag-iingat ako."
Nabigla naman ako sa sinabi niya. Hindi ko inasahan na maniniwala siya sa akin.
Masyadong mapanganib ang batang ito. Hindi siya nagdalawang isip na tulungan akong makalabas sa kulungan at ngayon ay naniwala siya sa dahilan ko. Hindi ba siya natatakot? Paano nalang kung masamang tao ako? Ano na ang mangyayari sa kanya?
"Sabing 'wag kang lumayo sa amin, Karren!"
Nabigla ako sa nagsalita. Binaling ko ang tingin ko sa dalawa niyang kasama na nakalapit na. Tumigil ang mundo ko nang makita kung sino ang mga ito.
Napalunok ako ng laway nang makita ang seryoso niyang mga mata na nakatingin sa akin ng diretso.
"R-rusell.."