Chapter 5

1142 Words
"Anong ginagawa mo dito?!" gulat na tanong sa akin ng pamilyar na kuneho. "Ikaw na naman?" tanong naman ng Giraffe. Pinilit kong ngumiti sa kanila at umiwas ng tingin. "Sino siya?" tanong sa kanila ng Oso. "Siya ang tinutukoy naming mangkukulam na nakakaintindi ng lenggwahe natin." sagot ng batang usa. Ouch! Mangkukulam talaga? Mukha ba akong mangkukulam? Pamilyar sa akin ang ilan sa kanila dahil sila ang nakakausap ko dito sa gubat. Mali, SINUBUKAN na kausapin pero tinakbuhan nila ako dahil sa naiintindihan ko sila. Tulad sa unang buhay ko, maliban sa puting tao ay walang ibang tao dito ang binigyan ng kakayahan na maintindihan ang lenggwahe nila. Kaya nagulat sila nung malaman nilang naiintindihan ko sila. Tinawag nila ako ng kung ano-ano. Pinagkamalan pa akong masamang espiritu noon at ngayon naman ay mangkukulam kaya iniiwasan ko din silang makasalubong dito sa gubat sa tuwing pumupunta ako dito. Para akong rare na nilalang na naligaw dito kapag nakikita nila ako. Hindi ko naman mapigilan na pumunta dito sa gubat dahil nasanay akong pumunta dito. Tumira ako ng dalawang taon sa loob ng gubat sa tagong mundo noon at nung tumira kami ni Inay sa lugar ng mga ordinaryo sa Austin ay may katabi din kaming gubat kaya nakagawian ko ng magtambay sa gubat. Higit don ay karamihan sa mga kaibigan ko ay nakatira sa gubat kaya hindi ko mapigilan na pumunta dito. Para bang naging parte na sa buhay ko ang mga gubat. Dito din ako kumukuha ng lakas simula nung dumating ako dito. Napataas ako ng mga kamay nang bigla akong tinutukan ng armas ng mga hayop na nakakakilala sa akin. Napalunok ako ng sariling laway at humakbang paatras pero napatigil din ako dahil pinigilan nila ako. "'Wag kang gumawa ng kilos! Manatili ka dyan!" malakas na sabi sa akin ng unggoy habang nakatutok sa akin ang hawak niyang matulis na kahoy. Tumango naman ako sa kanya at muling napalunok ng laway dahil sa mga kahoy na hawak nila. Matutulis ang mga ito kaya paniguradong agad akong mawawalan ng buhay kapag tumama ang mga ito sa akin. Bakit ba ang init ng ulo nila sa akin? Dahil ba sa pinaniniwalaan nilang mangkukulam ako? Grabe naman. Ganon na ba kasama ang tingin nila sa mga mangkukulam para katakutan nila ah? T'saka hindi ako mangkukulam! Naiintindihan ko sila dahil puting tao ako. Makapanghusga sila ah? Tsk tsk. "Ilang beses ko ng sinabi sa inyo na hindi ako masamang tao, espiritu, mangkukulam o ano pa man. Tao ako at hindi ako nangangagat kaya ibaba niyo ang mga hawak niyo. Hihimatayin ako sa inyo ng wala sa oras." inis at dismayadong sabi ko sa kanila. Hindi ko mapigilan na madismaya dahil hindi ako sanay sa ganitong trato nila. Nasanay akong malapit sa mga hayop kaya masakit din sa part ko na makita ang nanghuhusga nilang mga mata. Para ba akong isang malaking threat sa kanila. Inasahan ko pa naman na sila ang unang masasandalan ko dito sa panahong ito pero hindi. Nagkatinginan sila sa sinabi ko. Mga three seconds lang pagkatapos ay binalik din nila ang tingin sa akin at napapikit ako ng mga mata nang mas lalo nilang nilapit sa akin ang matutulis na mga hawak nila. "Ibaba niyo ang mga hawak niyo!" Lahat kami ay nabaling sa Oso. "Ngunit-" "Bibitawan niyo o hindi?" seryosong tanong sa kanila ng Oso kaya naman ay natigilan sila. Napaawang nalang ang bibig ko nang ibaba nila ang mga hawak nila. Tiningnan ko ng diretso ang Oso. Kanina ko pa napansin na sinusunod nila ang bawat sabihin sa kanila ng Oso. Halatang may mataas siyang ranko dito sa gubat. Hindi lang ang mga tao ang may mga ranko. Pati sa mga hayop ay meron din. Kung may hari sa amin ay ganon din sa kanila. Ang mga bantay ang kilalang lider ng mga hayop sa gubat. Hindi ko lang alam kung bantay pa din ba ang tawag sa kanila dito sa panahong ito. "Naiintindihan mo ba talaga kami?" tanong sa akin ng Oso. Sasagutin ko ba? Paano kung may gawin din siyang masama sa akin kapag sinabi kong naiintindihan ko sila? Huhu. Ang hirap naman 'to. "Sumagot ka." seryosong sabi niya kaya naman ay bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. "Y-yes.." Ngayon lamang ako kinabahan sa isang hayop. Sa dami ng mga bantay na nakasama ko ay hindi ako nakaramdam ng kaba sa kanila. Siguro nung una ay nakaramdam ako nung bata ako dahil normal ng matakot ang bata sa mababangis na hayop pero nung lumaki na ako ay hindi na ako natatakot sa kanila. Kahit gaano pa kabangis ang makaharap ko ay parang normal lang sila sa akin. Ngunit, ang Osong ito ay kakaiba. Hindi ko maipalawanag ang meron sa kanya na nagpapakaba sa akin. Napakapowerful niya. "Kanina ka pa ba nandito?" tanong niya. Marahan akong tumango at iniwas na mapatingin sa mga mata niya. Napakaseryoso ng boses niya at alam kong ganon din ang tingin niya. Ramdam kong nakatingin siya sa akin ng diretso kaya lalo lang akong kinabahan. Kapag nagtagal pa ako dito, hindi ko na alam ang gagawin ko. Kasalanan 'to ng gagamba kanina. Kung hindi siya lumabas sa tapat ko ay hindi ako mabubuko. "So, narinig mo ang lahat?" tanong pa niya. Alam kong tinutukoy niya ang sitwasyon ngayon ng gubat. Muli akong tumango sa kanya. Nakita ko sa peripheral vesion ko na nagpakawala siya ng buntong hininga. "Hindi pwedeng malaman ng mga tao ang tungkol sa sasapitin ng gubat na ito kapag tuluyang nawala ang punong bulaklak. Anong gagawin natin sa kanya?" malakas na tanong ng malaking kuneho. "Hindi niya ito pwedeng ipaalam sa mga katulad niyang nilalang! 'Wag niyo siyang patakasin. Kailangan siyang ikulong!" "Oo nga! Parusahan niyo siya!" Nabigla naman ako sa reaksyon nila. Alam kong hindi sila malapit sa mga tao. Ganon din sila sa unang buhay ko. Iwas sila sa mga tao at pinapanatili nilang hindi makialam sa amin. Ngunit, hindi ko inasahan na ito ang magiging reaksyon nila dahil sa narinig ko ang usapan nila. Bakit parang nasobrahan sila? Ikukulong? Parurusahan? Hindi ko naman ito ipapaalam sa iba at saka hindi ko din maintindihan kung bakit ayaw nilang malaman ng ibang tao ang sitwasyon ng gubat nila. Oo, iwas sila sa mga tao pero sa unang buhay ko ay hinahayaan naman nila kaming tumulong sa kanila sa tuwing may problema sila sa gubat lalo na kapag hindi na nila kaya. Pero sa reaksyon nila ay para bang kami ang pinakahuling nilalang na hihingian nila ng tulong. Anong meron at bakit parang mas lalo lang silang lumayo sa amin? Binaling ko ang tingin ko sa Oso. Siya lamang ang pag-asa ko para pigilan ang balak na gawin sa akin ng mga hayop na ito. Ngunit, parang may bumagsak sa akin na mabigat na bagay nang marinig ang binitawan niya. "Narinig mo naman ang sinabi nila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD