Chapter 3 : First Encounter
Rica's POV
Omg! Ang gaganda ng mga damit dito! *o*
Mapapagastos nanaman ako neto. Tss. *sigh*
Habang si Celine ay kumukuha ng mga damit, ako naman, pumipili ng mga accessories. Damn. So pretty! *o*
Kung si Celine, mahilig sa mga damit, ako mahilig sa mga accessories at damit.
Fashionista kumbaga.
Kaya nga partners kami niyan ni Celine eh. Sa tuwing nasa mall kaming lima. Siya ang lagi kong kasama.
Si Carleigh kasi, pag pumupunta ng mall, laging kainan ang dinadalaw.
Si Daria naman, moody. Minsan sumasama samin. Minsan hinde. Mabilis kasi magbago ang isip at decision nun eh. Pero pag desidido sa isang bagay, walang makakapigil sakanya.
Eh si Sky naman..
Isa pa yun -_____- May pagkaloner. Gusto niyang magisa pag nasa mall. Naririndi raw kasi siya sa puro damit at kaartehan ang nakikita. Naiinis naman siya kasi tataba raw siya pag yung partner naman niyang si Carleigh ang kasama. MAS boring naman raw pag yung isang partner pa niya na si Daria ang kasama niya.
Partner yang tatlong yan. Puro mga moody. Tss. Kami lang ata ni Celine ang matino eh.
Pero wag kayo. Love namin sila. We love each other. Kami kami nalang ang meron kami.
Parents namin? Lahat nasa ibang bansa. Pero they are proud of us dahil mayayaman na kami sa ganitong age and they believe na mas ok pag independent kami.
Gusto rin nila na gawin namin ang lahat ng gusto namin. Naniniwala sila sa YOLO. Amazing parents right? Kami lang ata ang meron niyan eh.
On the other hand. May lilinawin lang ako sainyo.
Di kami mababait. Di kami approachable (well siguro MINSAN) at lalo nang di kami gaya ng inaakala niyo.
Sabi nga nila. Don't judge a book by its cover.
Kita niyo naman diba? May mga attitude rin kami kahit ganito kami ka-cold, moody, maarte, shoppaholic etc.
Well so much for that.
Habang kumukuha ako ng damit para maisukat SANA. May nakita akong mga lalakeng naka-itim.
They look weird at para bang may gagawin silang masama.
Di ako judgemental. Sadyang madali ko lang mabasa ang kilos at galaw ng isang tao.
Binitawan ko muna lahat ng gamit na hinahawakan ko at sinundan sila ng tingin.
Di ko alam pero may ibang kutob ako sakanila.
Kaya naman sinundan ko sila.
Halos saan saan nga ako napadpad eh.
Di ko na idedetalye basta halos isang oras ko rin silang sinundan.
Hanggang sa mapunta ako sa KFC.
Nakita ko kung paano nila buhatin ang isang walang malay na babae.
Teka? Parang kilala ko to ha? O___O
Susundan ko sana sila nang may makabangga sakin.
"Damn it!" tatanga tanga kasi. Kita nang may sinusundan!
"Miss, don't cuss. Di bagay sa itsura mo. Maganda ka pa naman" Sabi niya. (Zyler)
Well. I DON'T CARE! Ang mahalaga may sinusundan ako! ><
"Wala kang pakialam kung gusto kong magmura. May sinusundan ako kaya wag mo akong bwisitin." inis na ako. Letse to.
"Siguro miss, stalker ka noh?" WTF?
"Ako stalker? Eh ikaw nga jan ang mukhang stalker. Di lang stalker kundi mukha ka 'ring kidnapper! Look, you wear black jacket, black everything and shirt mo lang ang white. The hell? Wala ka bag fashion sense?" iniinis na ako ng gagong to. Teka nga? Bakit ko ba inaaksaya ang oras ko sakanya? Damn it!
"For your information Miss, di ako stalker at lalong di kidnapper. Sa itsura ko ba namang to? Kidnapper lang? Tss. Walang kidnapper at stalker na gwapo. Fashion sense? Di mo ba--blah blah blah" bahala ka magsalita magisa jan. Bigla kasi nagring ang phone ko kaya wala akong pakialam sa gagong to.
"Hello?" I bet conference to, di lang kasi ako ang nag-hello.
"Guys. I think gumaganti na sila. I saw them..at hawak nila si Juniel" agad kong inend ang call at agad akong tumakbo palabas ng mall.
Bakit ba ang tanga ko at nakalimutan ko kung sino ang mga yun?! Damn it.
-
Chester's POV
"Sorry po!" sabi nung babaeng nakabuhos sakin ng krushers. (Juniel) Tss. Pasalamat siya at maganda siya. Pero kahit na.
"Miss may magagawa ba ang sorry mo? Tapos na oh. Nadumihan na yung damit ko." pano ba naman kasi, naka white leather jacket ako. At sa lahat ng pwedeng matamaan, yung jacket pa. Buti sana yung shirt ko nalang kasi black naman. Tss. Burara talaga.
"Sorry po talaga! Babayaran ko nalang po."
"Miss, anong tingin mo sakin, walang per--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may biglang nakaitim na lalake ang humablot kay Miss burara. Ano ba sya?
Wanted siguro yun. -________-
Pinuntahan ko ang mga kaibigan ko at sinabihan sila na wag na kaming kumain dun. Nawala na yung gana ko.
"Asan si Zyler?" sabi ko. Wala kasi siya eh.
"Ewan ko dun biglang lumabas. Pabayaan mo nalang" sabi ni Ethan.
"Pre. Diba yun yung babaeng nakatama sayo ngayon ngayon lang?" tinuro ni Bryce yung babaeng buhat buhat ng lalakeng nakaitim.
"Yea" sabi ko.
Teka? Kanina buhay pa yun ah? Bakit ngayon, wala nang malay? Tss.
"Looks like she's in trouble" sabi ni Ethan. Oo nga noh? Eh kanina lang..
Agad kaming nagtinginan at lumabas rin sa KFC. Kailangan naming mahabol ang lalakeng yun. Kidnapper pala yun? Tss. Mga masasamang tao nga naman.
Nang makalabas kami, nakita ko si Zyler na hawak ng isang babae. Agad naman namin silang nilapitan.
"Anong problema dito?" sabi ko.
"Kasamahan mo ba to?" sabi nung isang babae naa mahaba ang buhok (Sky) Tumango lang ako.
"Motor niyo ba ang mga to?" sabi nung isang babae rin (Carleigh) Ang dami nila eh. Lima sila. Puro babae. Nasa may Parking Lot kami.
"Oo amin yan. Bakit ba? At ikaw, bakit mo hawak yang si Zyler ha?" sabi ni Blake. Agad namang nagsilapitan ang limang babae samin. Abah, kala nila ha. Porket maganda sila, uurungan namin sila? Well, nagkamali sila ng binangga.
"GIVE US YOUR KEYS..NOW!" sabay nilang sabi. Nakahawak sila sa mga kwelyo namin gamit yung right hand nila. Damn! Bakit ba ako biglang natakot sakanila? Lalo na sa isang to (Sky) Grabe kung makatingin O.O
"Sino ba kayo ha? Baka di niyo kami kilala?" sabi ni Bryce.
"Baka mamaya pagsisihan niyo pag nalaman niyo kung sino kami." sabi ni Blake.
"Kaya kung kami sainyo, bibitawan ko na yang pagkakahawak niyo sa mga kwelyo namin habang mabait pa kami." sabi ni Zyler.
"Iba kami magalit girls. Wala kaming pakialam kahit mga babae pa kayo." sabi ni Ethan.
"Kaya ikaw. Bumitaw ka na." yan nalang ang nasabi ko. Sinabi na nilang lahat eh. -_____-
"We got it. Let's go" binitawan nila kami at sabay silang sumakay sa mga motor namin. At HAWAK NA NILA ANG MGA SUSI NAMIN! O.O
"Not so fast." sabi ni Ethan.
"PWEDE BA PAALISIN NIYO NA MUNA KAME?! " sigaw nung babaeng kaharap ni Ethan kanina (Daria) Seryoso. NAKAKATAKOT SILA! O_________O
Pweh. Kami? Natakot sakanila? Tss. Di kami ganito. Siguro nadala lang kami kasi mga babae sila. Take note. Ang gaganda pa. Iba nga naman talaga ang hatak ng itsura.
Di namin sila pinabayaan na makaalis. Abah. Babae lang sila at di hamak na mas malalakas kami kaysa sakanila.
Tsaka sinong tinakot nila? KAMI? ASA!
"Patahimikin mo nalang yang mga yan at may kailangan pa tayong sundan." sabi nung babaeng kaharap ko kanina. (Sky) Wala na akong ibang maidescribe sakanya bukod sa nakakatakot siya, lahat naman sila maganda. Tss.
Hinarap nila kami habang nakasakay sila sa mga motor namin..
Pagkatapos may parang tinutok sila samin.
Then..
Everything went black.
-
Sky's POV
"Oh ayan. Para wala nang maingay" sabi ni Rica. Pinatulog na nila yung mga kumag. Tss. Sinong tinakot nila? Mga tao nga naman. Porket maaangas, kala mo kung sino na. Tss.
*VROOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM*
Agad kaming nakarating sa lugar kung saan alam naming dinala si Juniel.
Damn it. Kung di lang mas mabilis tumakbo ang mga motor kaysa sa kotse, di na kami magpapahirap sa mga lalakeng yun. Buti nalang at may dala kaming pampatulog. Tss.
"Let's go girls. I bet hinihintay na tayo jan sa loob" sabi ni Daria.
Isa tong warehouse. Well what else can you expect diba?
Sinipa namin ang pinto at agad naman tong napabukas.
Nakita namin si Juniel na hawak ng isang lalakeng naka itim.
"So si Juniel pa ang ginamit niyo?" sigaw ni Rica.
"Ganyan ba kayo lumaban? Tss." sabi ni Daria.
"Wala na bang mas dudumi pa na tactic?" sabi ni Carleigh.
"Pag di niyo siya binitawan, baka magsisi kayo." sabi ni Celine.
"Hoy Jim. Lumabas ka jan. Alam kong anjan ka. We're not playing hide and seek here." sabi ko.
Si Jim ay ang leader ng gang na to. Hiatus ang pangalan ng gang nila. I heard na rank 9 sila sa mga pinakamalalakas na gang sa Pinas.
Si Juniel? Siya ang bunso namin. Kapatid ko siya. Mahal na mahal namin si Juniel kaya ganyan kung makapagreact ang mga kasama ko.
"So now you're here Sky? What a pleasant surprise! Napadalaw kayo?" lumabas si Jim at may hawak siya na kutsilyo at isang baril.
"Kasalanan mo kung bakit kami napadpad sa napakapangit na lugar niyo." sabi ni Carleigh
"Atat talaga kayo." sabi ni Daria.
"Tss. Morons." sabi nina Celine at Rica habang napailing nalang.
"So ganyan na pala ngayon? Diba we used to be friends?" sabi ni Jim.
"Ay? Tanga? USED diba? Past tense. Magaral ka nga. -_______-" sabi ni Carleigh. Nakaupo lang kami sa mga malalaking drum na andun. 1 meter rin ang layo sa isa't isa. Nakakapagod kasing tumayo.
"Bakit ang mean niyo na sakin girls?" sabi ni Jim.
"Anong gusto mo? Respetuhin ka namin? Oh please." sabi ni Daria.
"Let's start this game. Naiinip na ako." sabi ko. Humikab pa ako niyan. Boring na kasi talaga.
"Oh we will *smirk*" sabi ni Jim. Kung makangisi, ikinagwapo niya ba yan? =____=
Agad namang nagsilabasan ang mga pangit niyang alagad at isa isa kaming nilapitan.
"Kaya niyo na yan Daria." sabi ko.
"Our pleasure." sina Daria at Celine ang sumugod sakanila.
Wala pang isang minuto. Tapos na lahat ng alagad ni Satanas.
Nakita ko siya na mukhang nagulat sa nakita niya. Tss. Mga gago nga naman.
"Tss. Yun na yun? Bakit parang di kayo pinagpawisan?" sabi ni Carleigh kina Daria at Celine sabay apir sa dalawa.
"Sus. Yun na pala yun? Naman. Wala na bang mas pa dun? Wala pa sa kalahati ng warm up yun ah." sabi ni Daria sabay upo sa inuupuan niya kanina.
Napasmirk nalang ako nang tignan ko si Jim na nanggagalaiti sa galit.
Sige. Magalit ka. Buwiset.
"Well ginusto mo yan eh. Isara mo yang bibig mo. Mabaho na nga dito. Dinadagdagan mo pa ang baho." sabi ni Carleigh.
Bigla naman nagsmirk si Jim. Punyeta.
May maibubuga pa ba siya? Tss. Di na nadala. =_______=
"Wala pa tayo sa final round Sky.." sabi ni Jim. Tumayo siya at nilapitan si Juniel na nagpupumiglas at nakatali sa isang upuan.
O____________O
PUNYETA.
"Now. Eto na ang final round. Ano kaya ang feeling ang makita mong mamatay sa harap mo ang kaisa isa mong kapatid na babae? Ang daming dugo oh." tumayo kami ni Carleigh. Dahan dahan kaming naglakad palapit sakanya. Humikab pa ako. Tss. Di na nadala.
Sinaksak at binaril niya si Juniel sa harap namin. Sisiguraduhin kong, di lang yan ang matatanggap niyang ganti galing sakin.
"How dare you kill her!?" sabi ni Carleigh sabay suntok kay Jim.
Inawat ko si Carleigh sa pagsuntok sakanya. Hindi enough ang pagsuntok lang.
"Let me handle this. Dalian niyo. Dalhin niyo si Juniel sa ospital. Rica and Celine. Puntahan niyo yung mga gagong hiniraman natin ng motor kanina. Dalhin niyo na rin sa ospital." agad namang sinunod ni Carleigh ang utos ko. At ako? Hinarap ko na ang gagong to.
"Ang swerte mo naman Jim at ikaw pa ang nauna sa sampung leaders? You should be proud of yourself." hinawakan ko ang kwelyo niya gamit ang isang kamay at itinayo siya. May hawak pa rin siyang baril at kutsilyo..
Ang mga armas na ginamit niya sa kapatid ko..
"Well, ganyan ang buhay Sky. Rank 9 kami at kahit rank 9 kami, di kami papatalo." akmang isasaksak na niya ang kutsilyo nang makuha ko yun at agad kong isinaksak sakanya. Napatumba siya. Agad ko namang tinapakan ang kutsilyong nakasaksak sakanya at tinutukan siya ng baril na kanina lang ay hawak hawak niya.
"Tandaan mo Jim. Rank 9 LANG kayo..
KAMI pa rin ang RANK 1" kinasa ko ang baril at paulit ulit pinagpuputok sa ngayo'y duguan na katawan ni Jim.
Kumuha rin ako ng isang bakal dun at tinusok sa may dibdib niya. KULANG PA YAN.
Tinapon ko ang baril at umalis na sa ware house na yun.
Kailangan kong puntahan ang kapatid ko.