Chapter 2 : The Hot Gangsters
Chester's POV
"Zyler, Ethan, Bryce, Blake bumaba na kayo dito! Kakain na tayo!" sabi ko. Naman oh! Ang tatamad ng mga gunggong na to.
"Anjan na!" si Zyler yun.
"Anong ulam Ches? Gutom na ako! ^_________^" Sabi ni Blake. Basta pagdating sa kainan, talagang matakaw yang si Blake.
"Wow. Corn beef!" sabi ni Bryce.
"Hinde, itlog yan na kulay red. =______=" sabi ko.
"Talaga?! *_____* " -Bryce. Binatukan namin siya -______- Walangya. Pinolosopo lang siya, naniwala agad. Tss. Hindi 'to mabubuhay ng matiwasay sa mundo. Sinasabi ko sainyo.
"Kumain na kayo! Dalian niyo! Late na kayo sa mga klase niyo." Sabi ko.
"Naman Ches eh. Nakakatamad nang pumasok." sabi ni Ethan.
"Oo nga, puro lecture lang. Tss." binatukan ko ulit 'tong si Bryce.
"Hoy. Kailangan nating magaral noh! Masyado kayong kampante ah!" Sabi ko.
Di naman sa pagmamayabang, mayaman kaming lahat. We live in one house and we're independent. Obvious ba?
Kaming lima ay magbe-bestfriends simula pa nung ipanganak kami. Amazing noh? Natiis namin ang ugaling nakakasuka ng isa't isa. :D
"Ches, nagtext sakin si Henry. May meeting raw mamaya." sabi ni Blake. Tumango lang ako at pumunta na sa may sofa. Tapos na akong kumain. Bahala na sila dun.
Nanuod lang ako ng palabas sa TV. Basketball. Wala nang ibang magandang palabas eh -_____-
"HUY! AKIN NA NGA YAN!" (Bryce)
"ANO BA?! SHARE NAMAN OH!" (Blake)
"KAKAUNTI NALANG NGA 'TO, KUKUNIN PA! ISAKSAK KO KAYA SA BAGA MO 'TONG PLATO?!" (Zyler)
"TINITIPID BA TAYO NI CHESTER? AMBAD NIYA!" (Ethan)
Kaso lang rinig na rinig ko ang ingay ng mga tarantado sa may kitchen. Ngayon lang ba sila kumain ng corn beef? Tsaka tinitipid? EH TATLONG LATA KAYA YUN! =______= Bwiset.
Ganyan sila pag kami kami lang. Pero pag nasa public kami, maaangas kaming lahat. Bakit? Wala lang. Trip lang namin.
Mababait kami pero iba kami magalit. Mahilig kami sa away at gulo. Ganun lang talaga kami. Wala kasing thrill ang buhay pag pa-goodboy ka.
Bullies? Pwede rin. Pag trip lang namin.
Pero matatalino naman kami. Kaya nga tinatamad na ang mga yan na pumasok eh. Bukod sa kampante sila na mayayaman sila, tinatamad rin sila dahil lahat raw ng tinuturo sa school namin, paulit ulit nalang raw.
Totoo naman eh. -___________- Nakakaumay kaya.
"Tapos na kami Cheeeees!" sabay sabay silang umupo sa tabi ko at naki-nuod. -______-
"Oh ano ngayon kung tapos na kayo? Anong gusto niyong gawin ko?" alam ko na to eh. Alam ko na--
"DALIAN MO! MAGHUGAS KA NA DUN! DALI! PAGKATAPOS MAGMALL TAYO! FASTER!" pinagtulakan nila akong apat.
"MGA WALA KAYONG PUSO!" Sabi ko. TT_________TT
"WE LOVE YOU TOO!" mga bwiset to. Ipagtulakan ba naman ako pabalik ng kusina para hugasan lahat ng kalat nila? Ako na nga yung nagluto, ako pa rin yung maghu-hugas?! Pasalamat sila at barkada ko sila kundi.. >________________>
May nakita ako panibagong boutique. Ang daming cute stuffs! *o*
Pumasok ako dun at nag hanap ng mga damit.
Kaya lang..
WALA AKONG MAPILI!
ANG GAGANDA KASI EH! ANG DAMI! CRUSH KO NA TONG STORE NA TO! *________*
Siguro nagtataka kayo kung bakit ako ganito wherein ibang-iba ako sa school.
Eh kasi addiction ko 'to eh. Ang pagsho-shopping. ^_____^
Pag naaadik ako sa isang bagay, nagiging normal ako. Nagiging isip bata ako. Nawawala coldness ko.
Di naman all the time cold ako. Nawawala lang naman yun pag nagshoshopping ako.
Ano ba yan -______- pabalik-balik tuloy ako.
Sabi nga nila may split personality raw ako. Well, kinda true.
Pag naiinis ako o may makita akong ayaw ko, nagagalit ako. Nakakabwiset eh.
Ganito lang ako. Pero pag ako kinalaban mo. Wag mong iisipin na magiging mabait pa ako sayo.
Well on the second thought. Di ako mabait. ^_________^ Shopaholic lang.
"Miss. I'll get this. This. This. This. This and this. Oh, pati yun rin. Pati eto. Pati yan. Thank you!" tinuro ko sa saleslady ang lahat ng gusto ko dun sa shop nila. Di ko na sinukat. Nakakapagod na eh.
Pagkatapos ko dun ay may halos limang stores pa akong pinasukan. And madami akong binili sa mga stores na yun. Well I guess 5 pairs ng pangitaas at pangibaba ang binili ko kada store. Sabi sainyo eh. Ang adik ko sa pagshoshopping ^o^
Ang dami ko nang bitbit! Tss. Bakit ba kasi nawala pa si Rica eh? Hay. -________-o
Pumunta muna ako sa may penshoppe. Papasok sana ako nang may makabangga ako.
Ayun. Lahat ng shopping bags na hawak ko, nabitawan ko. Kalat sila sa buong floor T^T
MY BABIES! :<
MAPAPATAY KO TONG LALAKENG TATANGA TANGA AT DI MARUNONG TUMINGIN SA DINADAANAN! BWISET!
Ang masaklap pa, di niya manlang ako tinulungan. Umalis siya at tinalikuran lang ako.
Akala mo ha. Di kita papatakasin! Bwiset ka!
Tumayo ako at mabilis na naglakad papunta sakanya. Hinawakan ko siya sa balikat niya at hinarap siya sakin..
(Now Playing: Kapag tumibok ang puso)
♫♪Sharam sharam shararam
Sharam sharam shararam
Sharam sharam shararam
Aaaahhhhhhhh...
Heto na naman naririnig
Kumakaba-kaba itong dibdib. ♫♪
Jusko. Anak naman ng clothes.
Ang gwapong nilalang *o*
Pero hinde. May kasalanan to.
Pero..
Mukhang tinamaan yata ako.
*screeech* (a/n: sound ng biglang pagtigil ng music ^______^)
"Hey Miss. May problema ka ba?" sabi niya. Talagang gago to ah? Binabawi ko na. Di na siya gwapo! Atipatiko! Tanga lang ang peg?
"HOY ANTIPATIKO KANG LALAKE KA! OO! MADAMING PROBLEMA! PULUTIN MO LAHAT NG NAHULOG MO!" madiin na may pagkacold kong sabi sakanya. Siguro naman nakakaramdam siya na inis ako. Kahit gwapo to. Di ko papalampasin ang ginawa niya.
"I'm sorry. I'll pick it up. Pasalamat ka at maganda ka" sabi niya.
*blush* *blush*
Maganda raw ako ^o^ Tss. Binabalik ko na ulit. Gwapo na siya ulit ^_______^
Nang matapos niyang pulutin ang lahat ng nahulog niya, binigay niya sakin yung iba. Pero yung iba, hinawakan niya. What is the meaning of this? *Q*
"Samahan na kita. ^______^" sabi niya. Shemay kang lalake ka.
"No. Wag na. Akin na yang mga gamit ko." pilit kong inaagaw sakanya yung mga gamit ko pero ayaw niyang ibigay. Mnakakahiya kasi.
"No. It's ok" -_______- sinabi nang wag na eh.
"ANO BANG GUSTO MO HA?" ayaw kasi niyang ibigay sakin ang mga gamit KO.
"Come with me" sabi niya. What the hell?
"Look. I don't even know you. Di porket nabangga mo 'ko ay friends na tayo at sasama na ako sayo. Give me my things back!" sabi ko.
"Di mo ba ako namumukaan? I'm Henry. Ngayong kilala mo na ako, pwede ka na bang sumama sakin?"
"I don't recognize you. I don't care and I don't want to go with you. Give me back my things!" sabi ko. Pasalamat siya at nasa mall kami kundi napuruhan na tong gagong to sakin.
"Just come with me." sabi niya. Aba't mapilit to ha. Hinawakan niya ako sa wrist ko.
"Bibitawan mo ba ako o hinde?" umiling lang siya at nginitian ako.
I just stared at him with my cold and deadly eyes. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa wrist ko and I flipped him. Wala akong pakialam kung nasa mall pa kami. I really don't care. Bastusan eh.
"I told you to let go of me right? I'll be going now. Ciao!" iniwan ko na siya dun. Ang daming audience. Nakakarindi. Bahala kayo. Sinira niyo ang araw ko.
Palabas na ako ng mall nang may makita akong isang pamilyar babae.
Hawak siya ng mga lalakeng nakaitim. Teka. Parang kilala ko 'tong mga to ah?
At
Di ako nagkakamali. Sila nga..
Tinignan ko naman yung babaeng hawak nila. Walang malay.
Pamilyar siya. Tinitigan ko siya para malaman kung tama ba ako. Kinilatis kong mabuti ang babaeng yun..
At di ako nagkakamali.
Siya nga yun.
Damn it.
Agad kong tinawagan sina Sky. Nasagot naman nila agad. Conference na para di hassle.
"Guys. I think gumaganti na sila. I saw them..
At hawak nila si Juniel"